Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng mga manggagawa, ipinagdarasal ni Pope Francis bago namayapa

SHARE THE TRUTH

 575 total views

Inilaan ng namapayapang si Pope Francis ang intensyon ng pananalangin para sa buwan ng Mayo para sa kapakanan at kalagayan ng mga manggagawa.

Bahagi ng panawagan ng yumaong punong pastol ng Simbahang Katolika ang pananalangin para sa pagkakaroon ng ligtas na working environment ng bawat manggagawa sa buong daigdig kung saan tuwina ring nabibigyang halaga ang dignidad ng bawat isa.

Ipinapanalangin rin ni Pope Francis ang pagbibigay ng makataong pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat manggagawa na nagsasakripisyo at nagsusumikap para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

May For working conditions Let us pray that through work, each person might find fulfillment, families might be sustained in dignity, and that society might be humanized.

Para sa buong taon ay naglalagtag ng iba’t ibang partikular na intensyon at layunin si Pope Francis kung saan kada buwan ay hinihiling ng Santo Papa ang pakikiisa sa pananalangin ng bawat isa.

May mga pagkakataon rin na nagdaragdag ng pangalawang hangarin o intensyon sa pananalangin ang Santo Papa na may kaugnayan sa kasalukuyang mga sitwasyon o mga agarang pangangailangan, tulad ng tulong sa sakuna o kalamidad sa iba’t ibang bansa.

Ipinagkatiwala ni Pope Francis ang mga intensyon na ito sa Pope’s Worldwide Prayer Network na isang organisasyon na nagsisikap na hikayatin ang mga Kristiyano na tumugon sa panawagan ng Santo Papa at palalimin ang kanilang pang-araw-araw na buhay pananalangin.

Napapanahon din ang inilaang intensyon sa pananalangin ni Pope Francis ngayong buwan ng Mayo sa magkaalinsabay na paggunita ng Pilipinas ang Labor Day o Araw ng Paggawa at paggunita kay San Jose Manggagawa, lingkod ng Diyos na kanyang inatasan ng isang napakahalagang gawain, hindi lamang ang pagkakarpentero kundi ang gawain na maging tagapag-alaga ng anak ng Diyos.
Sa social doctrine of the church, karapatan ng bawat manggagawa ang pagkalooban sila ng tamang sahod at benepisyo at hindi dapat samantalahin ang kanilang kahinaang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang manggagawa at bilang isang tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 8,381 total views

 8,381 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 29,109 total views

 29,109 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 37,424 total views

 37,424 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 56,047 total views

 56,047 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 72,198 total views

 72,198 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 698 total views

 698 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 7,226 total views

 7,226 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top