Kasalanan sa Diyos at sambayanan ang katiwaliang umiiral sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,760 total reads

Binigyang-diin ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng lumalalang katiwalian sa bansa.
Ayon kay Fr. Puno, ang mga umiiral na suliranin sa lipunan ay hindi lamang usaping pulitikal at pang-ekonomiya kundi isang malinaw na kasalanan laban sa Diyos at sa sambayanan.

Paliwanag ng pari, ang katiwalian ay tuwirang paglabag sa ika-pitong utos ng Diyos na ‘Huwag kang magnanakaw’, sapagkat ang perang kinukurakot mula sa kaban ng bayan ay perang dapat nakalaan para sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

“Ang korupsyon ang ugat ng malalang kahirapan, kakulangan ng serbisyong panlipunan, at pagkasira ng tiwala sa pamahalaan. Ang pangunahing biktima ay ang mga walang laban—ang mga mahihirap na natatanggalan ng pagkakataong makinabang sa yaman ng bansa,” pahayag ni Fr. Puno.

Dagdag pa ni Fr. Puno, tungkulin ng Simbahan bilang tinig ng mga walang tinig na tawagin sa pananagutan ang mga tiwali, palakasin ang loob ng mamamayan, at itaguyod ang katarungan.

Iginiit ng pari na ang pananahimik ay pakikiisa sa kasamaan, habang ang pagtindig laban dito ay pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

Panawagan naman ni Fr. Puno sa mga lingkod-bayan na magsilbi nang may integridad at katapatan; sa sambayanan na maging mapanuri at huwag maging bahagi ng katiwalian; at sa mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa gawaing panlipunan at pakikibaka para sa katarungan.

Hinamon din ng pari ang Simbahan na maging huwaran ng pagiging tapat at may pananagutan upang maging makabuluhan ang tinig nito laban sa katiwalian.

“Ang korupsyon ay sugat sa kaluluwa ng bayan. Kailangang sugpuin ito sa pamamagitan ng pagkakaisa, pananagutan, at pagbabalik-loob sa Diyos,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 64,347 total reads

 64,347 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 168,053 total reads

 168,053 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 204,841 total reads

 204,841 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 235,416 total reads

 235,416 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 281,153 total reads

 281,153 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,695 total reads

 57,695 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top