Katekista, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,457 total reads

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang malaking papel ng mga katekista, hindi lamang sa simbahan kundi sa paghuhubog ng mamamayan bilang mabubuting kasapi ng lipunan.

Ayon sa obispo, lalo pang nagiging mahalaga ang kanilang misyon sa harap ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, partikular na ang malawakang katiwalian at kawalan ng tiwala sa mga institusyong panlipunan.

“You are not only catechists; you are builders of integrity, sowers of righteousness, and defenders of truth. In these times, when our beloved nation faces trials that have shaken our trust in public institutions, your mission becomes even more vital. The moral compass of our society must be recalibrated, and it begins with the formation of conscience,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Ipagdiriwang ng diyosesis ang Diocesan Jubilee for Catechists sa Setyembre 27 sa Virgen del Pilar School, Burgos, Montalban, Rizal.
Ito ay kasabay ng paggunita ng buong bansa sa National Catechetical Month gayundin ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, isang katekista at martir ng simbahan sa September 28.

Binigyang-diin ng obispo na ang mga kabataan na ipinagkatiwala sa mga katekista ay hindi lamang basta mga estudyante kundi mga magiging pinuno at lingkod ng hinaharap.

“In your hands rest the seeds of tomorrow. The children and youth entrusted to your care are not merely students—they are the future stewards of our faith, the next generation of leaders, servants, and saints,” dagdag ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga katekista na maging tapat na saksi ng ebanghelyo sa kanilang pamumuhay at pagtuturo.

“You are the quiet yet powerful pillars of our Church, shaping minds and hearts with the light of Christ,” saad ng obispo.
Tema ng National Catechetical Month ngayong taon ang “Ambassadors of Hope: Witnessing Faith, Inspiring Love, and Transforming Lives in the Changing World.”

Batay sa datos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Commission on Evangelization and Catechesis katuwang ang National Catechetical Studies, tinatayang nasa 50,000 katekista sa bansa ang katuwang ng simbahan sa pagpapalalim ng pananampalataya at paghubog ng moralidad ng mahigit 80 milyong Katoliko sa Pilipinas.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 12,999 total reads

 12,999 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 74,486 total reads

 74,486 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 111,274 total reads

 111,274 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 142,436 total reads

 142,436 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 192,370 total reads

 192,370 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 253,974 total reads

 253,974 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top