Kongreso, hinamon ng opisyal ng CBCP na papanagutin ang nasa likod ng POGO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,596 total views

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mabuting intensyon sa isinisagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan upang alamin ang katotohanan at kaugnayan ng ilegal na Philippine Offshore Gaming (POGO), paglabag sa karapatang pantao, Extra Judicial Killings, at illegal drugs na nagsimula sa nakalipas na administrasyong Duterte.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Episcopal Commission on Public Affairs ng CBCP, dapat na ipagpatuloy ang pagdinig kung ang intensyon ay mawakasan at matukoy ang mga may kinalaman sa mga ilegal na gawain.

“Kung ang imbestigasyong ginagawa ay para tuluyan ng wakasan ang POGO at matukoy kung sino ang mga taong nasa likod ng EJK, marapat lamang na ipagpa-tuloy ang Quad Committee investigation sa House of Representatives,” ayon kay Fr. Secillano.

“Hindi na dapat mag-atubili ang mga Kongresista at magpaligoy-ligoy pa. Alamin at papanagutin sana ang mga may kinalaman sa mga mapang-abusong gawain laban sa bansa at kapwa nating Pilipino,” dagdag pa ng pari.

Sa bisa ng resolusyon na pinagtibay sa Kamara, nilikha ang Quad Committee o pagsasama-sama ng apat na panel na nag-iimbestiga sa mga usapin kaugnay sa POGOs, extra judicial killings, karahasan, katiwalian, ilegal na droga at ang pagdagsa ng mga Chinese sa Pilipinas -na pawang may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa at nagmamay-ari ng mga lupain sa bansa.

Ang QuadCom ay binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Barbers, ang Committee on Human Rights ni Rep. Bienvenido Abante, Committee on Public Order and Safety ni Rep. Daniel Fernandez, at ang Committee on Public Accounts na pinamumunuan naman Rep. Joseph Stephen Paduano.

Ginanap naman ang kauna-unahang pagdinig ng joint committee sa Bacolor, sa lalawigan ng Pampanga, ang probinsya kung saan ilang POGO hubs ang sinalakay ng mga otoridad, nakakumpiska ng bilyong pisong halaga ng ilegal na droga.
Binanggit ni Barbers sa kaniyang opening statement, nais matukoy ng joint panel ang POGO ay nagsilbing daan sa mga ilegal na gawain at kriminalidad sa bansa, na ang ilan ay binibigyang proteksyon pa ng ilang mga tiwaling pulis, at opisyal ng pamahalaan.

“POGOs, introduced under the guise of generating much-needed revenue, have instead revealed themselves as a curse, becoming gateways for syndicate members to enter the country as legitimate visitors, investors, or even citizens. This has been made possible by the countless agencies that issue visas and permits for a price, allowing these criminals to operate freely and with the protection of certain members of our own law enforcement agencies,” ayon kay Barbers.

Binigyan diin ng mambabatas na hindi maisasakatuparan ang mga ilegal na gawain na ito nang walang kasabwat na mga opisyal, kawani at pulis sa bansa.

Ayon pa kay Barbers, “As a result, drugs continue to flow into our country, and POGOs have become hubs for all manner of criminal activity, including kidnapping, murder, human trafficking, money laundering, and cybercrimes.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,358 total views

 62,358 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,227 total views

 58,227 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,429 total views

 94,429 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,609 total views

 102,609 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,729 total views

 126,729 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top