Kumpanyang nagpapatupad ng contractualization, binalaan ng ECOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Binalaan na ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang lahat ng mga kumpanyang nagpapatupad ng kontraktwalisasyon sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay ECOP chairman emeritus Donald Dee, kailangang sumunod ang mga employers sa batas at pinahigpit na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra – ENDO o “end of contract,” na hinayaan lamang ng nakaraang administrasyon.

Binanggit rin ni Dee na dahil sa nais ibidang datos ng Aquino administration na mapababa ang unemployment rate sa bansa ay napabayaan ng pamahalaan na proteksyunan ang karapatan ng mga ordinaryong manggagawa.

“Sundin lang yung batas dahil ang unang – una yung ENDO na 555 ay talagang iligal naman yan. Kaya naman dati ay hindi hinuhuli dahil ang pananaw noong gobyernong nakaraan ay mas mabuti na yung marami ang nagta – trabaho. At yung data nila sa unemployment ay ayaw nilang mapabagsak masyado pero ngayon ang pananaw at parang kailangang proteksyunan lahat ng manggagawa at kami naman ay agree doon at handang sumuporta roon,” bahagi ng pahayag ni Dee sa panayam ng Veritas Patrol.

Tumutugon naman ang ECOP sa pakikiisa sa pangulo upang labanan ang talamak na ENDO sa pagsasagawa ng isang forum upang maisaligal na ang outsourcing ng ilang kumpanya sa Department of Labor and Employment.

“Para mawala na yang ENDO sinasabi namin sa mga principal companies na kumpanyang malalaki na nagpapa – outsource na kailangan na naka – register sa DOLE yung mga kinakausap nilang mga kontraktwal dun sa kanilang outsourcing para malagay sa legal at kung hindi sila naka – register ay huwag bigyan ng kontrata,” giit pa ni Dee sa Radyo Veritas.

Nabatid na Tumaas ng 6.1 porsyento ang unemployment rate nitong buwan ng Abril 2016. Ayon sa Philippine Statistics Authority, katumbas ito ng 2.6 na milyong mga Pinoy na walang trabaho.

Magugunita na sa Laborem Exercens ni St. John Paul II sinabi nito na mahalagang kilalanin ng lipunan ang dignidad ng mga manggagawa sapagkat kaisa sila sa pag – unlad ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 72,962 total reads

 72,962 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 159,461 total reads

 159,461 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 202,496 total reads

 202,496 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 252,255 total reads

 252,255 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 409,927 total reads

 409,927 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 331,374 total reads

 331,374 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 437,459 total reads

 437,459 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top