Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang pagpatay sa alaala

SHARE THE TRUTH

 294 total views

Mga Kapanalig, sa muling pagbubukas ng Kongreso, may mga mambabatas nang mukhang nagpapabango na ng kanilang pangalan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga tagasuporta niya, at sa mga loyalista ng kanyang pamilya.

Martes ng nakaraang linggo nang ilabas sa media ang kopya ng House Bill No. 610 na inihain ng isang kongresista mula sa Negros Oriental. Layon ng panukalang batas na palitan ang pangalan ng pangunahing paliparan sa ating bansa, ang Ninoy Aquino International Airport (o NAIA). Ang iminumungkahing bagong pangalan ay Ferdinand E. Marcos International Airport dahil sa panahon daw ng diktador ipinatayo ang naturang paliparan. Ito raw ay isang maipagmamalaking legacy ng ama ng kasalukuyan nating presidente.

Ngunit hindi ito totoo. Ang NAIA—na ang unang pangalan ay Manila International Airport—ay sinimulang ipinatayo noong 1947 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Manuel Roxas. Una itong ginamit bilang base ng United States Air Force. Natapos ang unang international runway at taxiway nito noong 1953 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Elpidio Quirino. Ibig sabihin, naging operational na ang paliparan labindalawang taon bago pa umupo sa puwesto ang pinatalsik na diktador. Noong 1987, pinalitan ang pangalan ng Manila International Airport at naging NAIA sa bisa ng Republic Act No. 6639. Ito ay bilang pag-alala natin sa pagkakapatay doon kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nang bumalik siya ng Pilipinas noong 1983.

Ang pagpapalit ng pangalan ng ating pangunahing airport ay maaaring maliit na bagay lamang para sa marami, lalo na sa mga masugid na tagasuporta ng kasalukuyang presidente at kanyang pamilya. Ngunit sa ganitong mga pinapangalanang istruktura at gusali, napapaalalahanan ang mga mamamayan tungkol sa kanilang kasaysayan. Nagpapatayo tayo ng mga monumentong ibinabalik sa ating gunita ang pinagdaanan ng ating bayang hindi natin dapat kinakalimutan, hindi dapat binubura.

Ang asasinasyon kay Ninoy sa Manila International Airport ang itinuturing na gumising sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kawalan ng kalayaan at panunupil sa demokrasya at karapatang pantao sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Ang pagpatay kay Ninoy ang naging mitsa ng paghahangad ng pagkawalâ ng mga Pilipino mula sa kalasag ng pamahalaang umaabuso sa kapangyarihan, lantarang ninanakawan ang taumbayan, at binubusalan ang malayang pamamayahag. Ito ang naging mitsa ng mapayapang People Power Revolution noong 1986.

Ito ang katotohanang nais baluktutin ng mga nasa poder ngayon. Ito ang kasaysayang nais burahin sa ating mga alaala. At nagtagumpay sila nang muling makabalik sa kapangyarihan ang pamilya ng diktador. Tiyak na hindi sila titigil—gayundin ang kanilang mga kaalyado at kakampi—na ibaon sa limot ang madilim na pinagdaanan ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Ang pagbubura ng kasaysayan ang isa sa mga pangyayaring ikinalulungkot ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti. Aniya, marami ang nagsasabing dapat nang kalimutan ang nakaraan at harapin na ang kinabukasan. Mali ito, diin ni Pope Francis. Hindi tayo makauusad nang hindi inaalala ang nakalipas. Hindi tayo uunlad kung hindi tayo tapat sa ating nakaraan. Wika nga sa Isaias 46:9, “alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari” dahil ang mga pangyayaring ito ay bahagi ng planong itinakda na ng Panginoon.

Mga Kapanalig, maraming isyung kinakarahap ang ating bansa ngayon. Hindi mapakakain ang mga nagugutom at hindi mabibigyan ng trabaho ang mga walang hanapbuhay ng pagpapalit ng pangalan ng NAIA. Nawa’y mas pagtuunan ng pansin ng ating mga mambabatas ang mga panukalang batas na makatutulong na maibsan ang krisis na ating kinalalagyan ngayon. Kasabay nito, dapat pa rin tayong maging mapagbantay at mapagmatyag sa anumang hakbang na nais patayin ang alaala ng bayan nating hindi makausad dahil mabilis mapaikot ang mga mamamayan nitong walang pagpapahalaga sa kasaysayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 13,741 total views

 13,741 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 29,830 total views

 29,830 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,566 total views

 67,566 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,517 total views

 78,517 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 22,686 total views

 22,686 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 13,742 total views

 13,742 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 29,831 total views

 29,831 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,567 total views

 67,567 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,518 total views

 78,518 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 91,769 total views

 91,769 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,496 total views

 92,496 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,285 total views

 113,285 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 98,746 total views

 98,746 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 117,770 total views

 117,770 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top