Labor groups, tumanggap ng George Meany-Lane Kirkland Human Rights award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,860 total reads

Ipinangako ng labor groups sa Pilipinas ang patuloy na pagsusulong ng mga repormang itataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Tiniyak ito Philippine Labor Movement matapos matanggap ang George Meany–Lane Kirkland Human Rights Award.

Magsisilbing kinatawan ng P-L-M ang Federation of Free Workers (FFW), Kilusang Mayo Uno (KMU), BPO Industry Employee Network (BIEN), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) upang tanggapin ang parangal sa American Federation of Labor and Congress of Industrial Organizations (AFL-CIO) headquarters sa Washington D.C.

“Nais naming iparating sa AFL-CIO na ang gantimpalang ito ay napapanahon. Dumating ito sa isang panahon kung kailan ang aming dedikasyon at tapang ay sinusubok ng mga banta at intimidasyon mula sa iba’t ibang pinagmulan, kasama na ang ilang elemento sa gobyerno. Kaya, ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng aming nakaraang mga pagsisikap kundi isang pinagmumulan ng inspirasyon upang baguhin ang aming pangako para sa mga manggagawa at kanilang layunin,” pahayag sa Radio Veritas ni Atty. Sonny Matula, national chairman ng NAGKAISA Labor Coalition at Pangulo ng FFW.

Pagkatapos tanggapin ang parangal ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga labor group na makipag-pulong kay United States National Security Advisor Jacob Jeremiah Sullivan upang iparating ang mababang pasahod sa Pilipinas, suliranin sa reg-tagging, extra judicial killings, kontrakwalisasyon at hindi pantay na benepisyo na nararanasan ng mga manggagawang Pilipino.

Ang George Meany–Lane Kirkland Human Rights Award na iginagawad ng AFL-CIO sa mga indibidwal o grupong may kaugnayan sa paggawa dahil sa kanilang katangi-tangin pagsusulong sa pagpapabuti ng estado ng karapatang pang-tao at pamumuhay ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 10,610 total reads

 10,610 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 89,002 total reads

 89,002 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 133,311 total reads

 133,311 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 170,312 total reads

 170,312 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 277,088 total reads

 277,088 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top