Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 48,881 total views

Ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng kaunlaran. Mapa-pormal o impormal man, ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan na kailangan ng tao upang makamit ang mas maginhawang buhay. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, umiiral pa rin ang learning poverty sa ating bansa.

Hanggang ngayon kapanalig, nakaka-alarma ang taas ng antas ng learning poverty sa ating bayan. Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Bank, siyam sa sampung Pilipino edad 10 years old ay hirap magbasa at umunawa ng simple at age-appropriate  reading material.  Ang mataas na antas na ito ay nagpapakita ng mababang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Maraming mga dahilan kung bakit nangyayari ito. Una siyempre ang pondo. Taon taon man palakihin ang pondo sa sektor, dahil sa dami, hindi pa rin ito sapat upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mag-aaral, personnel, at paaralan sa buong bansa. Dahil dito, marami pa ring mga paaralan ang hindi sapat ang guro, pasilidad, aklat, at iba pang kagamitan.

Ayon din sa report ng World Bank, ang kakulangan pa sa mastery ng mga teachers at absenteeism ay nakadagdag din sa learning poverty sa bayan. Kailangan pa nating pag-ibayuhin ang teaching practices sa bayan at tiyakin na akma ito sa mga batang tinuturuan. Kapanalig, iba na rin ang panahon ngayon, at marami ng mga teaching techniques ang mas naaayon para sa henerasyon ng kabataan ngayon.

Isa rin naman sa dahilan kung bakit hirap makapagturo ng maayos ang mga guro ay dahil weak o mahina din ang mga training programs na binibigay sa kanila. Ayon sa pagsusuri ng World Bank, kailangan tutukan sa training ng mga guro ang content knowledge, mga oportunidad na mapraktis ang natutunan kasama ang mga kapwa teachers, tuloy tuloy na suporta at follow-up, at syempre, kasama na rin dito ang mga career incentives gaya ng promosyon o pagtaas ng sweldo.

Dahil sa learning poverty, kapanalig, nakokompromiso ang kinabukasan ng mga bata at bayan. Napakalawak ng implikasyon nito sa ating buhay. Makaka-apekto ito sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino at ng buong bansa. Ang learning poverty ay naglilimita din ng mga uri ng trabaho na maaaring makuha ng mga kabataan sa kalaunan.

Ang edukasyon, kapanalig, ay integral sa dignidad ng bawat tao. Ang patuloy na pag-iral ng learning poverty sa ating bayan ay humahadlang sa kaganapan natin bilang anak ng Diyos. Sabi nga sa Mater et Magistra, “Dapat bigyan ng mas maraming tulong at mas maraming oras ang mga kabataan upang makumpleto ang kanilang bokasyonal na pagsasanay at kanilang cultural, moral at religious education. Ang modernong kabataan ay dapat ding binibigyan ng mas mahabang panahon sa kanyang pag-aaral ng sining at agham. Ang lahat ng ito ay lumilikha ng isang mundo kung saan ang mga manggagawa ay nagiging mas responsable at matatag sa kanilang sariling larangan ng trabaho.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 3,818 total views

 3,818 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 17,878 total views

 17,878 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 36,449 total views

 36,449 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 61,757 total views

 61,757 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 11,281 total views

 11,281 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 3,820 total views

 3,820 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 17,880 total views

 17,880 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 36,451 total views

 36,451 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 61,759 total views

 61,759 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 69,267 total views

 69,267 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 92,965 total views

 92,965 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 101,677 total views

 101,677 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 105,308 total views

 105,308 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 107,864 total views

 107,864 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567