Libu-libong pamilya na apektado ng lindol, tinulungan ng Caritas Manila at Diocese of Marbel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,012 total reads

Patuloy ang pagtugon ng Diocese of Marbel – Social Action Center (DSAC) sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Southern Mindanao noong June 8, sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila at iba pang katuwang na organisasyon.

Ayon sa progress report ng Social Action Center, umabot na sa 1,104 na tahanan sa mga barangay ng Batulaki, San Jose, New Aklan, Batotuling, at Rio del Pilar sa bayan ng Glan, Sarangani ang nabigyan ng food assistance mula sa Caritas Manila, kabilang ang bigas at mga de-latang pagkain upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan matapos ang kalamidad.

Bukod dito, nakapamahagi rin ang Diocese of Marbel at mga apektadong parokya ng 28,044 food packs at shelter materials, habang nagsagawa rin ng psychosocial first aid para sa 280 bata sa Barangay Mig Margus, Glan, Sarangani.

“Caritas Manila has significantly enhanced that scope and effectiveness of the relief operations. Through its support, food aid, particularly rice and canned goods was extended to a total of 1,104 households, enabling them to address their immediate needs in the aftermath of the disaster,” ayon sa ulat ng Marbel DSAC.

Batay sa damage assessment, nananatiling sarado ang apat na parokya sa diyosesis dahil sa pinsalang dulot ng lindol, habang 265 Basic Ecclesial Community (BEC) chapels ang napinsala, kung saan 218 ang bahagyang nasira at 47 ang tuluyang nawasak.

Naitala rin sa ulat na umabot na sa 69 ang nasawi, 1,192 ang nasugatan, at walo ang nawawala, habang mahigit 376,000 pamilya sa Sarangani at General Santos City, bukod pa sa 8,929 indibidwal sa South Cotabato, ang naapektuhan ng lindol.

Umabot naman sa 79,132 bahay ang napinsala, kabilang ang 10,746 na tuluyang nawasak.

Patuloy na ipinapaalala ng Simbahan na ang pagkalinga sa mga biktima ng kalamidad ay kongkretong pagsasabuhay ng pag-ibig sa kapwa, kung saan ang pagtutulungan at malasakit ay nagbibigay ng pag-asa sa mga pamayanang nagsisikap makabangon mula sa sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,646 total reads

 73,646 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,455 total reads

 213,455 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,231 total reads

 329,231 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 447,028 total reads

 447,028 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 242,275 total reads

 242,275 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top