2,272 total views
Binasbasan ng Archdiocese of Seoul sa South Korea ang Logo Sculpture para sa World Youth Day 2027.
Pinangunahan ni Archbishop Peter Soon-taick Chung, Chairperson ng WYD Organizing Committee ang rito ng pagbasbas na ginanap sa Myeongdong Cathedral noong January 20, 2026.
Sa pahayag ng arsobispo na inilathala sa official Facebook page ng World Youth Day sinabi nitong ipinaalala sa mga logo sculptures ang bokasyon ng bawat isa sa paghahanda para sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan.
“The sculptures bearing the names of each diocese will remind all those preparing for the WYD of their vocation and the grace they have received… Let us devote ourselves wholeheartedly to preparing this festival of youth that welcomes young people from all over the world,” ayon sa pahayag ng arsobispo.
Ang logo sculpture ay idinesenyo ni Jung hoon Cho na isang youth volunteer gamit ang mga recyclable materials bilang pakikiisa sa adbokasiya at adhikain ng simbahan sa wastong pangangalaga ng kalikasan at sangnilikha.
Kasabay ng pagbabasbas ang pagsisimula ng domestic pilgrimage ng WYD symbols o ang Krus at imahen ng Salus Populi Romani.
Magtatapos ang domestic pilgrimage ng WYD symbols sa May 30, 2027 kung saan tema sa malawakang pagtitipon ng mga kabataan ang “Take courage! I have overcome the world” na hango sa ebanghelyo ni San Juan 16:33.




