Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Love triumphs over the pain

SHARE THE TRUTH

 25,188 total views

Pinangunahan ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ang pagninilay para sa Kapistahan ng Mahal ng Poong Hesus Nazareno kung saan nagsagawa rin ng Traslacion ang arkidiyosesis noong ika-9 ng Enero, 2024.

Ayon sa Arsobispo, sinisimbolo ng krus na pasan ng imahen ng Poong Hesus Nazareno ang pagtatagumpay mula sa anumang sakit, hamon at pagsubok sa buhay sapagkat ang pagkakatawang tao ni Hesus na nagpakasakit, naipako at namatay sa krus ay ang pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Diha [Dito] sa Krus, love triumphs over the pain. Love triumphs over betrayals and difficulties that we encounter in our lives.” ayon kay Archbishop Cabantan.

Tinatayang umabot ng 18,000 ang bilang ng mga debotong nakibahagi sa isinagawang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Archdiocese of Cagayan de Oro.

Ayon sa Police Regional Office in the Northern Mindanao Region (PRO-10) kabuuang naging mapayapa ang naganap na Traslacion kung saan mahigit isang libong security personnel na kinabibilangan ng mga pulis, militar at mga volunteer groups ang nagbantay sa mga rutang dinaanan ng prusisyon mula St. Augustine Metropolitan Cathedral hanggang Nazareno Church.

May kaibahan ang paraan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro na maihahalintulad sa isang prusisyon kumpara sa nakagawiang Traslacion sa Maynila mula Quirino Granstand hanggang Quiapo Church na dinaluhan ngayong taon ng mahigit sa 6 na milyong deboto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 35,231 total views

 35,231 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 65,312 total views

 65,312 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 79,372 total views

 79,372 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 97,687 total views

 97,687 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567