Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 267 total views

Kahit saang bahagi ng mundo ngayon kapanalig, tila madilim ang langit. Binabalot ng lungkot ng trahedya ang maraming mga bansa hindi lamang dahil sa global pandemic ng COVID-19, kundi sa mga kongkretong epekto ng climate change na damang dama na sa maraming bahagi sa buong mundo. Ayon sa United Change Climate Change Report, “Code Red” na ang sangkatauhan ngayon. Ang pag-init ng ating mundo ay nasa bingit na peligro, at malapit na ang panahon na hindi na natin mapipigilan ito. Tayo, ang mga tao, ang dahilan nito.

Ang mga extreme weather events ay nadadama na sa maraming parte ng mundo, gaya ng mga super typhoons at ang mga heat waves. Ayon sa report, ang mga severe heat waves na nangyayari isang beses kada 50 taon dati ay nangyayari na kada sampung taon. Sa ating bansa, ang mga mala-Ondoy na pagbaha ay mas madalas na nating nararanasan. Sa ibang parte naman ng mundo, ang mga matinding tagtuyot ay mas madalas na ring nadama–1.7 times–ang bilis-ayon sa report. Sa kasalukuyan, forest fires naman ang nadadama sa California, Greece pati sa Algeria.

Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na kumilos ang ating mundo upang ating maiwasan ang mga epekto ng climate change. Ang best case scenario para sa ating mundo, kapanalig, ay ang paglimita ng pag-init ng ating mundo ng hanggang 1.5 degree Celsius lamang  sa pamamagitan ng pagbaba ng global CO2 emissions – hanggang net zero pagdating ng 2050. Ang mga goals o  mithiin na ito ay napapa-saloob sa Paris Agreement–isang legally binding international treaty o internasyonal na kasunduan.

Malawakang pagbabago at transpormasyon ang kailangan ng mundo upang makamit ang mga mithiin na ito. Unang una, malawakan at mabilisang “shift” o paglipat sa mga sustainable sources of energy ang kailangan. Sa ngayon, fossil fuels pa rin ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng mundo at two-thirds ng CO2 emissions ay mula din dito. Kung papalitan ito ng renewable sources of energy, may posibilidad na ating makamit ang net zero emissions pagdating ng 2060.

Kung magagawa ito ng maraming ekonomiya sa buong mundo, hindi lamang mga extreme weather events ang mababawasan. Magiging mas malusog din ang mga mamamayan–bawas ang polusyon at mas magiging maka-kalikasan rin ang mas maraming tao. Dagdag pa rito, maraming trabaho ang maaring malikha. Ayon sa Global Renewables Outlook, maaring 42 milyong trabaho ang malikha pagdating ng 2050 kung mamumuhan ang mundo sa renewable energy systems.

Ang pangangalaga sa ating mundo ay hindi “optional-” kung hindi natin gagawin ito, tayo ang mawawala, hindi lamang tayo mawawalan. Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng U.S. Conference of Catholic Bishops-  Ang global climate change ay hindi ukol sa teoryang pang-ekonomiya o platapormang pampulitika. Ito ay ukol sa kinabukasan ng nilikha ng Diyos at ng ating global na pamilya.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,719 total views

 17,719 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,779 total views

 31,779 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,350 total views

 50,350 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 75,097 total views

 75,097 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 17,721 total views

 17,721 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,781 total views

 31,781 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,352 total views

 50,352 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 75,099 total views

 75,099 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,716 total views

 70,716 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,414 total views

 94,414 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,126 total views

 103,126 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,757 total views

 106,757 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,313 total views

 109,313 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567