Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magbalik loob sa panginoon, payo ni Bishop Santos sa mamamayan.

SHARE THE TRUTH

 414 total views

March 23, 2020, 10:37AM

Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino ang mamamayan na magbalik loob sa Panginoon na may kababaang loob.

Aniya, sa kasalukuyang kinakaharap ng mamamayan na malaking banta sa kalusugan dulot ng corona virus bukod tanging panalangin lamang ang makatutulong upang makamtan ang tunay na kagalingan.

“In this troubling and very difficult times, let us GO to God, to pray God. Let us go with humble hearts, with contrite spirit and sincere prayers to help and heal us. In this situation, prayer is our resolve. And God always listens to us, His children,” pahayag ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang buong simbahang katolika sa pananalangin ng buong mundo upang maiadya at tuluyang mapuksa ang COVID 19 na puminsala sa mahigit 200, 000 libong katao sa buong daigdig kabilang na ang mahigit 300 sa Pilipinas.

Sinabi ng Obispo na higit na kinakailangan ang mataimtim na pagdarasal at pagbibigay papuri sa Diyos na nagkakaloob ng buhay at biyaya sa bawat indibidwal.

“The whole Catholic Church has been praying for the whole world since before, especially now with Coronavirus pandemic. We are one with our people in praying to God for healing of those affected, cute and remedy for this Coronavirus, strength and safety of all those who are front liners, sound health of all of us, and eternal rest of those perished,” bahagi pa ng pahayag.
Binigyang diin ng obispo na ito ang wastong pagkakataon upang ipakita ang pagkakawanggawa sa kapwa partikular sa tinatayang limang milyong indibidwal na bahagi ng labor force sa Metro Manila na higit na apektado ng ipinatupad ng enhanced community quarantine.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment na mamahagi ito ng limang libong pisong tulong pinansyal para sa mga apektadong manggagawa.

“Even if we are suffering and doing sacrifices, we can be still gracious, we must still GENEROUS. Let us be considerate and compassionate to our people, to our employees. It is opportune for us to show, to practice charity,” saad ni Bishop Santos.

Kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine ay pinaiiwas ng pamahalaan ang mamamayan sa mga pagtitipon na agad sinunod ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamamagitan ng pagkansela ng mga misa sa halip ay mas pinaiigting ang mga online masses sa social media, sa telebisyon at sa radyo sa pamamagitan ng Radyo Veritas 846.

Ang pagtalima ng simbahan sa panawagan ng pamahalaan ay paraan ng pakikiisa sa paglaban na mahinto ang paglaganap ng COVID 19 sa bansa at mapangalagaan ang kalusugan ng mananampalataya.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Santos ang mga Filipino na sundin ang payo ng pamahalaan at mga eksperto upang hindi na tumagal ang pananatili ng virus sa lipunan at babalik sa normal na pamumuhay ang mamamayan.

“In spite of dangerous condition we are in, we should do GOOD. Let us be good. Obey the rules, stay home and don’t take advantage of the situation for profits nor for personal gains. Be good to ourselves and others,” giit ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 78,908 total views

 78,908 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 97,015 total views

 97,015 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 102,438 total views

 102,438 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 161,829 total views

 161,829 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 177,074 total views

 177,074 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 28,558 total views

 28,558 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top