Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging handa, alerto sa sakuna-Solidum

SHARE THE TRUTH

 558 total views

Ito ang payo ni Science and Technology Undersecretary Renato Solidum, Jr., kaugnay sa mga maaaring maranasang sakuna o kalamidad tulad ng lindol o pagputok ng bulkan.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayan kay Solidum, palagi nilang ipinapaalala sa publiko ang kahandaan at pagiging mahinahon sa panahon ng lindol at pagputok ng bulkan.

“Pagdating naman sa lindol at kasama na yung volcano, ang aming sinasabi ang solusyon d’yan ay kahandaan natin at ‘yung readiness ng bawat indibidwal at pamilya,” pahayag ni Usec. Solidum sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Nangamba naman ang opisyal hinggil sa mga taong nagpapalaganap ng ‘fake news’ na ginagamit namang batayan ng publiko.

Ayon kay Solidum, sa halip na makatulong ito ay nagdudulot ng pangamba at kaguluhan sa mga tao.

“Kapag ang tao ay masyadong malapit sa bulkan at naranasan nila ‘yung isang eruption talagang hindi mo maaalis ‘yung pangamba at nakakadagdag sa mental stress ang mga balita na hindi totoo na walang masyadong basehan,” ayon sa opisyal.

Ibinahagi rin ni Solidum na siya ring director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang uri ng lindol na maaaring maramdaman ng mga tao anumang oras.

“Dalawang klase ang pwedeng maramdaman ng tao. Una yung lindol sa bulkan at lindol sa malayo. Kapag lindol po sa bulkan ang mararamdaman ng mga tao, ito po ay up and down motion,” ayon kay Usec. Solidum.

Habang nararamdaman naman ang pahalang o tila inuugang paggalaw ng lupa kapag malayo ang epicenter o mula sa malalim na bahagi ng lupa.

“Pero kapag ang inyong naramdaman ay horizontal lang, ibig sabihin malayo po ang episentro sa inyo o napakalalim ng lindol and most likely hindi po ‘yun sa volcano,” paliwanag ni Usec. Solidum.

Enero 2020 nang pumutok ang bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas na nagdulot ng mga paglindol at pagkalat ng ibinugang abo nito na umabot sa mga karatig na lalawigan.

Matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire o kilala rin bilang typhoon belt na bahagi ng karagatang Pasipiko kung saan karaniwan na ang mga paglindol at pagputok ng bulkan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,146 total views

 5,146 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,246 total views

 13,246 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,213 total views

 31,213 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,589 total views

 60,589 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,166 total views

 81,166 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,633 total views

 7,633 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 8,926 total views

 8,926 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,325 total views

 14,325 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,307 total views

 16,307 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top