Maging mitsa ng buhay, panawagan ng Vatican official sa CFC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,814 total views

Nananatiling mahalagang sandigan ng lipunan ang pamilya sa gitna ng lumalalim na mga hamon at krisis sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang binigyang-diin ni Bishop Dario Gervasi, adjunct secretary ng Vatican’s Dicastery for Laity, Family and Life, sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Couples for Christ (CFC) na ginanap sa New Clark City Stadium sa Tarlac nitong June 20.

Batid ng obispo na malaki ang epekto ng mga krisis sa kasalukuyang panahon sa bawat pamilya.

“Today, we hear in different parts of the world that the family is in a state of crisis. And wherever there is this crisis, suffering also increases,” ayon sa pagninilay ni Bishop Gervasi.

Aniya, nanganganib ang kalagayan ng pamilya ay tumitindi rin ang takot, banta ng pagkakawatak-watak, at pag-iisa ng bawat miyembro nito.

“When the family is threatened, all members feel afraid of the future. And when the family is divided, the threat of loneliness increases more and more,” dagdag pa ng obispo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bishop Gervasi na may pag-asang mapagtagumpayan ng mga pamilya ang kanilang mga suliranin sa pamamagitan ng pananatili ng Diyos sa kanilang buhay.

“We can say that there is a secret to overcome all the challenges the family has to face. The secret is not to focus on our own strength,” ani Bishop Gervasi.

Paliwanag ng obispo na si Hesus ang tunay na pinagmumulan ng lakas at pagkakaisa ng bawat tahanan.

“When He is present in our family lives, He frees us from what makes us poor and weak,” aniya.

Hinimok din ni Bishop Gervasi ang mga miyembro ng Couples for Christ na manatiling tapat sa kanilang misyon bilang mga tagapagpalaganap ng Ebanghelyo sa kanilang mga pamilya at pamayanan.

Binigyang-diin din nito na ang bawat Kristiyanong nananatiling nakaugnay kay Kristo ay nagiging ilaw na nagbibigay ng pag-asa sa kapwa.

“A Christian who is connected to Jesus is a light that cannot be extinguished,” ayon kay Bishop Gervasi.
Kasabay ng paggunita sa ika-45 taon ng Couples for Christ, muling hinikayat ng opisyal ng Vatican ang mga miyembro ng CFC na buong tapang na ipahayag ang kanilang pananampalataya kay Hesus at manatiling tapat sa kanilang bokasyon bilang mga tagapagtaguyod ng pamilyang Kristiyano.

Binigyang-diin din ng obispo ang mensahe ni Pope Leo XIV na nagsasabing ang mga mananampalataya ay hindi kabilang sa “people of decline” kundi sa “generation of dawn” na tinatawag upang maghatid ng pag-asa at liwanag sa mundo.

Itinatag noong 1981, ang CFC ay isa sa pinakamalalaking Catholic lay movements sa Pilipinas na kasalukuyang naglilingkod sa 145 na bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng ebanghelisasyon, pagpapalakas ng pamilya at paglilingkod sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,703 total views

 9,703 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,054 total views

 38,054 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,784 total views

 105,784 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 128,935 total views

 128,935 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,433 total views

 198,433 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top