Maging responsible sa pagbabahagi ng impormasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Umaapela sa mamamayang Pilipino si Senate Assistant Minority Leader Senator Paolo “Bam” Aquino IV na maging responsible sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa patuloy na kaguluhan sa Mindanao kung saan umiiral ang Batas Militar. Ayon sa mambabatas, nararapat na maging maingat ang bawat isa sa pagbabahagi ng mga maling detalye at impormasyon na maaring makapagdulot ng panic at pagkalito sa mga mamamayan lalo na sa mga may kamag-anak o mahal sa buhay sa Mindanao.

Iginiit ng Senador na dapat sa official sources lamang makinig at tumutok ang mga mamamayan upang magkaroon ng tama at aktuwal na mga impormasyon tulad na lamang ng Armed Forces of the Philippines na nangunguna sa pagsugpo sa teroristang grupong Maute sa Marawi city.

“I think right now we should allow the AFP to do the job properly, sugpuin yung lawless elements na yan at maging maingat tayo sa mga sini-share, If you notice kami rin the most that we share is just to really provide support and prayers, siguraduhin natin na hindi tayo nag-si-share ng fake na balita kasi delikado talaga siya, makinig tayo sa official sources.” Panawagan ni Senador Aquino sa panayam ng Veritas Patrol.

Una nang nanawagan ng pagiging mapanuri si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, member ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communication kaugnay sa pagbabahagi ng mga tamang detalye at impormasyon partikular na sa kasalukuyang umiiral na ‘digital world’ kung saan mabilis na kumakalat ang mga ipormasyon sa iba’t ibang social media sites sa bansa tama man ito o hindi.

Sa pag-aaral ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015, ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 milyon ang mayroong social media accounts.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 73,042 total reads

 73,042 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 110,463 total reads

 110,463 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 144,592 total reads

 144,592 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 200,999 total reads

 200,999 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 30,569 total reads

 30,569 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top