Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MAGPAS 2024, inilaan sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 26,051 total views

Inilaan ng Archdiocese of Manila sa mga kabataan ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Agosto 2024.

Sa sirkular ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa mga kabataang Manileño bilang paghahanda sa nakatakdang Archdiocesan Youth Month sa Setyembre.

Nakatakda ang MAGPAS sa ika-3 ng Agosto 2024, ganap na alas-otso hanggang alas-unse y medya ng umaga sa Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.

“In preparation for the Archdiocesan Youth Month in September, the MANILA ARCHDIOCESAN GENERAL PASTORAL ASSEMBLY for the month of August will be a special edition dedicated to our Young Manileños. I am pleased to invite your young leaders (maximum of two youth) to be part of this MAGPAS on 3 August 2024, from 8:00am to 11:30am at the Pope Pius XII Catholic Center Auditorium.” bahagi ng sirkular ni Cardinal Advincula.

Ayon kay Cardinal Advincula, tatalakayin sa MAGPAS 2024 ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga kabataan bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng misyon na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa sangkatauhan.

Magsisilbing pangunahing tagapagsalita at panauhin sa MAGPAS 2024 si Sr. Nathalie Becquart, XMCJ -ang Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops, na kilala rin sa kanyang pambihirang pangangalagang pastoral at bokasyon para sa mga kabataan.

“Joining us in this MAGPAS is Sr. Nathalie Becquart, XMCJ, Undersecretary for the General Secretariat of the Synod of Bishops. She is known for her exemplary commitment to the pastoral care of the young and promotion of vocations. This is a unique oppurtuniry to engage in meaningful dialogue and explore how we can collectively work in fostering the synodal dynamism and rediscover our ministry in the synodal light.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Umaasa ang Cardinal na maging daan ang MAGPAS upang ganap na makapagnilay at makapag-alay ng sama-samang panalangin ang mga mananampalataya para sa ikabubuti ng sanlibutan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,317 total views

 16,317 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,417 total views

 24,417 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,384 total views

 42,384 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,604 total views

 71,604 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,181 total views

 92,181 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 386 total views

 386 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,206 total views

 1,206 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,676 total views

 6,676 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top