Makabata hotline, pinuri ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,771 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Office on the Protection of Minors (CBCP-OPM) ang inisyatibo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Mahalin at Kalingain ating mga Bata o Makabata Hotline program laban sa Child Labor.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – miyembro ng CBCP-OPM, malaking tulong ang programa upang mapaigting ang pakikiisa maging ng mga payak na mamamayan sa pangangalaga sa karapatan ng mga bata.

Ito ay dahil sa tulong ng proyekto, mabilis na maipaparating sa DSWD at DOLE ang kaso ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso sa mga batang dapat sana ay malayang nakakapag-aral.

“Nagpapasalamat ako sa mga nasabing DOLE & DSWD officials sa paglulunsad nila ng MAKABATA HOTLINE, ito ay napakalaking tulong upang matugunan kaagad ang mga pang-aabuso sa mga bata kahit sa ano mang paraan, sana ang mga concerned citizens ay makipagtulungan sa mga nasabing ahensiya upang maireport nila ang mang klaseng pang-aabuso na ginagawa sa mga bata.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sa tulong ng Makabata Hotline ay maaring isumbong ng mga concerned citizens sa DOLE at DSWD ang mga kaso ng child labor at child abuse sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3, 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 at email address na [email protected].

Sa datos ng Philippines Statistics Authority noong 2021, umabot sa 31.47-million ang bilang ng mga nagtatrabahong kabataang nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang.

Habang noong 2022 ay naitala ng Council for the Welfare of Children na umabot sa siyam na libo ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kabataan sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 186,658 total reads

 186,658 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 215,247 total reads

 215,247 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 249,369 total reads

 249,369 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 305,773 total reads

 305,773 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top