Makulong ang mga nagkasala sa floodgates scam, hamon ng Pari sa administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,542 total reads

Nanawagan si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton Pascual sa pamahalaan na seryosohin ang mga imbestigasyon laban sa katiwalian upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal at maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga demokratikong institusyon.

“Kailangan makasuhan, malitis, makulong ang mga nagkasala, isoli ang ninakaw upang maibalik muli ang tiwala sa kahalagahan ng democratic institutions tulad ng ating pamahalaan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na hindi lamang pananagutin ang mga sangkot kundi dapat ding ibalik ang mga pondong nilustay upang magamit sa makabuluhang proyekto at programang nakalaan para sa mamamayan, lalo na sa mga dukha.

Binatikos din ni Fr. Pascual ang katiwaliang lumutang sa flood control projects, na nagpapahirap lalo sa mga maralitang Pilipino na pangunahing naaapektuhan ng matinding pagbaha.

“Challenge po sa atin na patuloy magmasid at makialam sa gagawing imbestigasyon ng independent commission dito sa scandal, gargantuan proportion — talagang trilyong piso ang nagastos,” dagdag ng pari.
Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Padre Pio, binigyang-diin ni Fr. Pascual ang kahalagahan ng pananalangin at pagkakaisa upang makamtan ang paghilom ng bayan at upang makapaghirang ang sambayanan ng mga tunay na lider na may malasakit at hindi sakim sa kapangyarihan.

“Mahalaga ang panalangin at pagkakaisa ng sambayanan lalo na sa nagaganap ngayon sa ating bansa na naghahanap ng tunay na servant leader,” ani Fr. Pascual.

Bukod sa kanyang tungkulin sa Caritas Manila, si Fr. Pascual ay chaplain din ng Padre Pio Chapel sa Shangri-La EDSA, Mandaluyong, na nagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng 6PM mass kasabay ng kapistahan ng kanilang patron.

Ang mga nalilikom na pondo mula sa kapilya ay napupunta sa iba’t ibang programang panlipunan ng Arkidiyosesis ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 9,011 total reads

 9,011 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 117,332 total reads

 117,332 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 154,119 total reads

 154,119 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 184,693 total reads

 184,693 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 232,687 total reads

 232,687 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top