Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malolos cathedral, binigyang pagkilala ng NHCP

SHARE THE TRUTH

 2,598 total views

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Malolos, Bulacan partikular ang Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Pinangunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Malolos Cathedral na dating nagsilbing Palacio Presidencial ng Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Sa naganap na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ay tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines OIC-Executive Director Carminda Arevalo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya.

Ipinaliwanag ni Arevalo na ang pagkilala ng NHCP sa ambag ng Malolos, Bulacan at ng Malolos Cathedral sa mayamang kasaysayan ng bansa ay bahagi ng isinasagawang pagkikila ng komisyon sa halos 100 mga lugar sa buong bansa na mayroong mahalagang ambag sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas bilang tugon sa idineklara ng pamahalaan na 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.

“Ang panandang pangkasaysayan na ating hinawi ay dagdag sa karangalan ng Malolos bilang puso ng unang demokrasya at republika sa buong Asya, bahagi ito ng nagpapatuloy nating pagtuntun sa landas ng pagkabansang Pilipino mula sa Kawit hanggang Palanan mula taong 2023 hanggang 2026, ang panahong ito ay ideklara ng pamahalaan bilang 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood 2023 to 2026.” Ang bahagi ng mensahe ni Arevalo.

Inihayag ni Arevalo na ang pagkilala sa mahalagang papel na ginampalanan ng lalawigan ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa ay isa ring hamon para sa mga Bulakeño upang ganap na maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan.

“Isang hamon sa mga Bulakeño ang napakabigat na kasaysayang kakambal ng inyong pagkatao, mabigat sapagkat pasan-pasan niyo ang responsibilidad na manatiling tagapagmana ng dakilang kasaysayan ng inyong lalawigan. Nawa’y manatiling nangungunang kampiyon ng kalayaan, demokrasya at pagkabalsa ang lalawigan ng Bulacan.” Dagdag pa ni Arevalo.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Malolos Cathedral ang mga katagang “Malolos: Landas ng Pagkabansang Pilipino 1898-1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,772 total views

 6,772 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,872 total views

 14,872 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,839 total views

 32,839 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,195 total views

 62,195 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,772 total views

 82,772 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 406 total views

 406 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 5,827 total views

 5,827 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,578 total views

 11,578 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top