Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na gabayan ang mga kabataan sa mulat na pakikilahok para sa makatarungang lipunan

SHARE THE TRUTH

 10,622 total views

Hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang mamamayan na gabayan at samahan ang kabataan sa kanilang mulat na pakikilahok sa paghubog ng isang makatarungan at maayos na lipunan para sa susunod na henerasyon.

Ipinahayag ng kardinal ang mensahe sa banal na misa noong ikalawang araw ng CHARIS Philippines National Spiritual Directors Conference sa Pope Pius XII Catholic Center, Manila, nitong Agosto 19.

Bilang halimbawa, binanggit ng kardinal ang ilang trahedyang naranasan sa kanyang diyosesis, kung saan mga kabataan ang nasawi:
• Kian Loyd Delos Santos, 17 – napatay sa war on drugs noong Agosto 16, 2017;
• Jimboy Baltazar, 17 – nasawi sa “mistaken identity” sa operasyon ng pulisya noong Agosto 2, 2023;
• Dion Angelo dela Rosa, 20 – namatay sa leptospirosis matapos lumusong sa baha upang hanapin ang kanyang amang inaresto dahil sa illegal gambling. Inilibing noong Agosto 10, 2025.

Binigyang-diin niya na ang mga pangyayaring ito ay madalas nagaganap tuwing buwan ng Agosto—halos kasabay o malapit sa kapistahan ni San Roque, pintakasi ng diyosesis, na sa kanyang kabataan ay natutong sumunod sa Diyos matapos isuko ang marangyang pamumuhay.

“I think our young people in this country are picking up the signal and are starting to wake up, and I think we must accompany them. I foresee many conversions, many awakenings… don’t underestimate the manner in which our young people will wake up and participate in doing something to build a better future for the next generation,” pahayag ni Cardinal David.

Aminado siya na “Our generation has failed miserably in the aspiration for a more just and equitable Philippine society. But I am hopeful for our young people today who bear the same spiritual zeal and idealism that was lived out in their own times by St. Francis of Assisi and San Roque—young people who discovered God after renouncing power and wealth.”

Bagama’t mahalaga ang materyal na pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at kalusugan, iginiit ng kardinal na higit na mahalaga ang pagbabahagi ng yaman para sa ikabubuti ng nakararami.
“I could only hope that charismatic communities learn to recreate the communities described in the Acts of the Apostles—people who share things in common, not thinking only of their own good, but the common good,” aniya.

Tema ng pagtitipon ng mga charismatic spiritual directors ang “Power for Mission”, na dinaluhan ng 113 kinatawan mula sa 60 diyosesis at iba’t ibang charismatic groups sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LUCKY 15

 176 total views

 175 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 16,683 total views

 16,682 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 36,211 total views

 36,210 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »

BAN ON ONLINE GAMBLING

 91,688 total views

 91,688 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top