Mamamayan hinimok ng Obispo na isabuhay ang “No Meat Friday”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,705 total views

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na muling suportahan ang “No Meat Friday” campaign ng simbahan.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference Philippines—Episcopal Office on Stewardship sa pagsisimula ng Kuwaresma o Lenten season ngayong taon.

Ayon sa Obispo, magandang isulong at isabuhay ng bawat mananampalataya ngayong Kuwaresma ang pag-iwas sa pagkain ng mga karne tuwing Biyernes na bahagi na rin ng pag-aayuno at pangingilin.

“Alam nating masarap’yung karne at gusto nating kumakain nito. Pero ito ang paraan ng pagpe-penitensya natin na huwag kumain ng karne tuwing Biyernes bilang pag-alaala sa pagpapakasakit at paghihirap ng ating Panginoon,” pahayag ni Bihshop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ang pagkain ng karne o pagkaing may mukha ay napatunayan na ng mga eksperto na pangunahing pinagmumulan ng iba’t ibang karamdaman sa katawan.

Inihayag ng Obispo na makakatulong din ang “No Meat Friday” campaign sa pagsusulong ng adbokasiya ng simbahan laban sa epekto ng climate change.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang pag-aaral ng mga eksperto na ang animal agriculture ay nangungunang dahilan ng greenhouse gases na nakakaapekto sa pagtaas ng temperatura ng daigdig.

Nanawagan ang Obispo sa lahat na sikapin at simulang isabuhay ang pagkain ng prutas at gulay na bukod sa masustansiya sa katawan ay makatutulong din sa pagpapabuti at pangangalaga sa inang kalikasan.

“Mas makabubuti sa ating mga sarili ang pagkain ng mga prutas at gulay dahil maraming makukuhang sustansiya at bitamina rito para mas maging malakas ang ating katawan. Kaya sana suportahan natin itong No Meat Friday campaign hindi lang tuwing Kuwaresma kun’di mas magandang isabuhay na natin ito,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang No Meat Friday ay tradisyong sinusunod ng mga katoliko tuwing panahon ng Kuwaresma bilang bahagi ng pag-aayuno at pangingilin.

Pinaigting ito ng Radio Veritas noong 2011 upang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 31,739 total views

 31,739 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 45,316 total views

 45,316 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 73,880 total views

 73,880 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 123,142 total views

 123,142 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 116,485 total views

 116,485 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top