Mamamayan, inaanyayahan sa Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,502 total reads

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Pilipino na makiisa sa Segunda Mana Bazaar para sa kinabukasan ng mga mahihirap lalu ang mga Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP Scholars.

Inihayag ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga preloved items na tampok sa Segunda Mana Bazaar sa Trinoma Mall Quezon City ay matutulungan ang Social Arm na makalikom ng sapat na pondo sa pagpapaaral ng mga YSLEP Scholars.

“Magkita-ikita po tayo rito, napakarami pong mabibili dito, murang-mura siyempre Segunda Mana, At siyempre ang ating mapagbebentahan ay makakatulong sa ating kalikasan, sa edukasyon ng mga bata, sa ating YSLEP Program at sa ating mga mothers na nag uukay-ukay, kaya pumunta po tayo June 06 to 8 dito sa Segunda Mana Bazaar,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Ibinahagi naman ni SANLAKBAY Priest-in-Charge Fathre Bobby Dela Cruz na tampok sa bazaar ang mga kalidad at branded na preloved items.

“Ako po si Father Bobby Dela Cruz ng SANLAKBAY Program, ang Drug rehab program ng Archdiocese of Manila, ako rin ay taga Tondo, sa Tondo mayroong kaming bagong hashtag, ANAK MAHIRAP, PORMANG MAYAMAN, so nagiging posible ito dahil pwede kaming kumuha dito sa Segunda Mana, pwede kaming maging pormang mayaman kahit mahirap, kaya po tangkilikin po n atin ang Segunda Mana,” ayon sa panayam ni Fr.Dela Cruz sa Radyo Veritas.

Sinuportahan ng Quezon City Local Government Unit at mga Beauty Queens ang Caritas Manila Segunda Mana Grand Bazaar 2025.

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na malaki ang naitutulong ng mga katulad na gawain ng Caritas Manila sa kabuhayan ng mga mahihirap na benepisyaryo.

“Inaanyayahan ko po ang lahat na dumako dito sa Trinoma 4th floor cinema lobby para po tunghayan ang atin pong Segunda Mana Bazaar ng Caritas Manila, marami po kayong matatagpuan na magagandang preloved items, mga household goods at mga textiles na mga damit at marami pang iba, mga laruan, mga gamit sa bahay, lahat ng mga hinahanap niyo ay naandito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mayor Belmonte.

Binigyan naman ni Miss ECO International 2025 Ms.Alexie Mae Caimoso Brooks na nabibigyan ng pagkakataon ng Caritas Manila bazaar ang mga mahihirap na kabataan na mabago ang takbo ng kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

“Hi Everyone! It’s Alexie Mae Caimoso Brooks your Miss Eco International 2025 and today we’re here at Caritas in here Trinoma Mall, we are doing this Charity Event and I highly encourage to come here visit, try to buy something if you actually need something to help the people and off course to help the kids who needed it the most, thank you all so much in advance, please come and visit,” ayon pa sa panayam ng Rayo Veritas kay Brooks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 25,508 total reads

 25,508 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 73,844 total reads

 73,844 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 96,047 total reads

 96,047 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 132,541 total reads

 132,541 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 351,930 total reads

 351,930 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top