Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinagtitipid sa tubig ng ECOWASTE

SHARE THE TRUTH

 1,927 total views

Pinaalalahanan ng EcoWaste Coalition ang publiko hinggil sa pagtitipid sa paggamit ng tubig laban sa banta ng El Niño Phenomenon.

Ayon kay EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero, sikapin nawa ng bawat isa ang pagdidisiplina sa paggamit ng tubig upang maiwasan ang kakulangan na maaaring humantong sa krisis habang unti-unting nadarama ang epekto ng tagtuyot.

“Habang kami’y nagpapaalala sa tungkulin ng mga otoridad na itaguyod ang karapatan ng mga tao sa tubig, nakikiisa kami sa gobyerno sa paghimok nito sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig sa lahat ng posibleng paraan habang ang buong bansa ay naghahanda sa mga epekto ng El Niño sa suplay ng tubig, agrikultura, ekonomiya at sa buhay ng mga mahihirap,” ayon kay Lucero.

Ibinahagi naman ng grupo ang ilang gabay sa pagtitipid at wastong paggamit ng tubig.

Kabilang rito ang pagsasaayos ng mga tumatagas na tubo, tangke at gripo; at pag-iipon ng tubig-ulan ngunit tiyaking may takip ito upang hindi pamugaran ng lamok.

Gayundin ang paggamit sa mga tubig na pinagpaliguan at pinaglabahan bilang panlinis ng garahe o pandilig sa mga halaman; at huwag hayaang umagos ang tubig tuwing naghuhugas ng mga pinggan, sa halip ay gumamit ng palanggana.

“Kami ay umaapela sa lahat na huwag mag-aksaya ng tubig at proteksyonan ang karapatang pantao sa tubig sa mga buwan ng El Niño at higit pa,” saad ni Lucero.

Pinangangambahan ang pagkaubos ng suplay ng tubig mula sa mga dam sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mababang bilang ng mga pag-uulan na epekto ng El Niño.

Posibleng higit na maranasan ang epekto ng tagtuyot sa huling bahagi ng taong kasalukuyan hanggang sa kalagitnaan ng taong 2024.

Una nang iminungkahi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na higit na makatutulong ang pagdedeklara ng climate emergency sa bansa upang mapaigting ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 23,024 total views

 23,024 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 39,992 total views

 39,992 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 55,822 total views

 55,822 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 148,031 total views

 148,031 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 166,197 total views

 166,197 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top