7,576 total views
Hinimok ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mananampalataya na mag-pilgrimage sa Divine Mercy Shrine sa Sicsican, Puerto Princesa City.
Ito ang paanyaya ng obispo kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday sa April 27 kung saan inatasan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga simbahan na italaga ang Pilipinas sa Divine Mercy.
Sinabi ni Bishop Mesiona na magkakaroon ng sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal bilang paraan ng paggawad ng dakilang habag at awa ng Panginoon at matanggap ang mga kaakibat na biyaya ng kapistahan ng Divine Mercy.
“I invite everyone to make a personal pilgrimage to the Divine Mercy Shrine in Barangay Sicsican, Puerto Princesa City, especially on April 27. Confessions will be available on Saturday morning and throughout the whole day of Divine Mercy Sunday. There will also be Masses available on Divine Mercy Sunday,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Mesiona.
Inihayag ng CBCP na ang pagtatalaga ng bansa sa Banal na Awa ng Diyos ay sama-samang tugon ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga karanasan at kinakaharap na pagsubok ng bayan sa kasalukuyang panahon.
Hinikayat ni Bishop Mesiona ang nasasakupang mananampalataya na makiisa sa mga gawaing inihahanda ng bawat parokya lalo na ang pag-usal ng itinakdang panalangin sa Divine Mercy consecration.
Sa isang pahayag ni St. Faustina Kowalska na natatanging araw ang Divine Mercy Sunday na ipinagdiriwang ng simbahan tuwing ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sapagkat ipinagkakaloob ng Diyos ang lubos na kapatawaran sa mga kasalanan at tinatanggal ang anumang parusa sa mga taong lubos ang pagsisisi sa mga pagkakasalang nagawa at dumudulog sa sakramento ng kumpisal.
“Let us prepare ourselves spiritually for Divine Mercy Sunday by examining our consciences, seeking reconciliation through the Sacrament of Confession, and resolving to live a life of greater love and compassion. Let us avail ourselves of the graces offered on this day, trusting in the boundless mercy of God,” dagdag ni Bishop Mesiona.
Naglabas naman ng kopya ng panalangin ang CBCP na ipinamamahagi sa mga parokya na dadasalin sa lahat ng mga misa sa Divine Mercy Sunday sa April 27.