Mas mataas na ‘revenue collection’, pinuri ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,246 total views

Sa kabila ng patuloy na krisis sa pandaigdigang ekonomiya, nagpapasalamat si House Ways and Means committee chairperson Joey Sarte Salceda ng Albay na nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang ‘target collection’ sa buwan ng Abril.

Sa simula nang pagdinig ng komite sa kamara, pinasalamatan ng mambabatas ang BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR)sa kanilang revenue collection performance na nakakolekta ng P68.274 bilyon noong nakalipas na buwan na higit sa P68.199 bilyon na target.

“This suggests that, despite uncertain global conditions, our tax collection agencies are exceeding expectations and are working hard to earn the lifeblood of Philippine government.” dagdag pa ni Salceda.

Sa ulat ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa unang apat na buwan ng taon ay nakakolekta na ang adwana ng P281.902 bilyon lagpas ng 6.29 porsyento o P16.682 bilyon sa target na P265.220 bilyon.

Mas mataas naman ito ng 10.89 porsyento sa nakolektang P254.226 bilyon sa unang apat na buwan ng 2022.

Noong Abril 28 ay naitala rin ng adwana ang pinakamalaking daily collection na umabot sa P7.510 bilyon na nalagpasan ang mataas na record na P6.074 bilyon na naitala noong Oktobre 14, 2022.

Pinasalamatan ni Rubio ang mga empleyado at stakeholder ng ahensya sa dedikasyon at masigasig na pagtratrabaho na nagreresulta sa magandang performance ng BOC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 42,068 total views

 42,068 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 48,197 total views

 48,197 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 78,339 total views

 78,339 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 97,912 total views

 97,912 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 116,825 total views

 116,825 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top