Matuto sa mga pagkakamali at aral na dulot ng Martial Law.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,397 total reads

Ito ang bahagi ng mensahe ni Rev. Fr. Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila kaugnay sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law Declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon sa Pari, bukod sa pananalangin na hindi na muling maulit pa ang madalim na bahagi ng kasaysayan ng bansa ay mahalaga ding patuloy na pagsumikapan ng bawat isa na isulong ang tuwinang pagkakaroon ng kapayapaan sa lipunan.

“Ating dapat ipagdasal nawa’y huwag nang maulit ito sa ating bansa, pangalawa matuto tayo sa mga pagkakamali ng Martial Law sapagkat kung nais natin ng kapayapaan sa bansa natin at kaayusan, ang susi ay kapayapaan din.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari na mahalaga ang pagiging mapagbantay ng bawat mamamayan sa paraan ng pamamahala ng mga opisyal ng bayan upang matiyak ang paghahari ng kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, naaangkop lamang na purihin at suportahan ang mga opisyal na mabubuti ang nagagawa sa lipunan at batikusin kung taliwas ang kanilang mga hakbang para sa kapakanan ng sambayanan.

“Internal vigilance is the price of democracy, bantayan po natin ang mga namumuno maging kritikal tayo, kapag maganda ang ginagawa suportahan natin, kapag taliwas sa tamang asal batikusin natin. Mahalaga po ang vigilance upang maghari ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa, ipagdasal natin ang bansang Pilipinas maraming krisis ngunit sa tulong ng Diyos at pagtutulungan natin bilang isang bayan, atin pong mapagtatagumpayan ang lahat ng krisis.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Taong 1972 nang magdeklara ng Martial Law o Proclamation 1081 ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at September 23, 1972 ng malaman ng mamamayang Pilipino na nagsimula na ang Martial Law o ang Batas Militar.

Nagwakas ang rehimeng Marcos at Martial Law na tumagal ng 14 na taon sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution noong taong 1986 sa pangunguna ng mga Pari, Madre at ilang indibidwal alinsunod na rin sa naging panawagan ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa himpilan ng Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 52,323 total reads

 52,323 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 99,020 total reads

 99,020 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 200,287 total reads

 200,287 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 270,473 total reads

 270,473 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 353,901 total reads

 353,901 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top