Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon, tinutulungan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 19,700 total views

Nananatili sa mga evacuation center sa La Castellana, Negros Occidental ang humigit-kumulang 154 pamilya o 504 indibidwal, kaugnay ng patuloy na pagliligalig ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Fr. Romel “Boyet” Enar, Parochial Vicar ng Saint Vincent Ferrer Parish-Shrine sa La Castellana, mula pa noong pagsabog ng bulkan noong December 2024, hindi pa rin nakakabalik sa sariling mga tahanan ang ilang pamilya dahil sakop ang kanilang lugar ng 6-kilometer radius permanent danger zone.

Ibinahagi ni Fr. Enar na ligtas at hindi naapektuhan ng nangyaring “explosive eruption” ng Bulkang Kanlaon ang La Castellana, ngunit nakaranas naman ng ash fall ang La Carlota City.

“Explosion was considered minor because there was no loud sound. However, there was a 4-kilometer high smoke with ash coming from the mouth of the volcano went to the direction of the town of La Carlota City. In La Castellana, there is no ash fall, and since the evacuees are still here, everyone is safe,” pahayag ni Fr. Enar sa panayam ng Radyo Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagsimula ang pagputok ng Kanlaon alas-5:51 ng umaga, kahapon, at tumagal ng halos isang oras.

Tinatayang umabot sa 4,000 metro ang taas ng ibinugang makapal na usok na kumalat sa direksyong timog-kanluran.

Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan, na nangangahulugang may mataas na posibilidad ng mapanganib na pagsabog.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 115,235 total views

 115,235 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 180,363 total views

 180,363 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 140,983 total views

 140,983 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 202,329 total views

 202,329 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 222,285 total views

 222,285 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

PADAYON concert, isasagawa ng Caritas Manila

 11,735 total views

 11,735 total views Magsasagawa ang Caritas Manila ng fundraising concert-ang PADAYON Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon, na ilalaan para mga biktima ng nakalipas na lindol sa Visayas

Read More »

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 19,827 total views

 19,827 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top