Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga bagong gabinete, dapat humingi ng payo sa mga ‘career people’

SHARE THE TRUTH

 177 total views

Pinayuhan ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mga bagong talagang miyembro ng gabinete ng Duterte administration lalo na ‘yung mga wala pang karanasan sa kanilang posisyon na humingi ng payo sa mga eksperto o ‘career people’.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng komisyon ito ay upang magabayan sila at magawa nila ng tama ang kanilang tungkulin.
“Problema natin marami sa mga appointees hindi career people, pumasok lang sila diyan kasi inappoint sila, kung minsan di nila alam pa ang nangyayari sa loob kaya sana mayroon silang kabukasan at magpagabay sila sa mga career people na nasa loob upang makita talaga at ma-evaluate kung ano ang mga dapat palitan at ipagpatuloy.” Ayon pa sa obispo.
Sa record ng Office of the Philippine President, nasa 43 ang regular na miyembro ng gabinete maliban pa dito ang kani-kanilang assistants at mga tauhan habang sa nagdaang May 9, 2016 elections nasa 18,083 ang elective positions.
Kaugnay nito, pinayuhan din ng obispo ang papasok na administrasyong Duterte na huwag mamulitika sa kanilang pamamahala sa pamamagitan ng hindi pagpapalit sa mga magagandang naipatupad ng nagdaang administrasyon.
Sa halip, aniya dapat itong ipagpatuloy at pagandahin pa gaya ng mga batas na talagang nakinabang ang mamamayan lalo na ang mahihirap.
Dagdag ng obispo, dapat ang mga programa na pumalpak o hindi nakabuti sa taong bayan ang palakasin o di kaya palitan.
“Lahat naman may nagawang kabutihan, ang reflection ko lang pakiusap sa papasok na administrasyon na kapag maganda na hindi na dapat palitan sa halip pagandahin pa kasi ito ang problema sa pulitika na dahil ito ay ginawa ng dati pinapalitan kahit maganda na, kaya magandang gawin sana ipagpatuloy, yung mga mahina at medyo palpak yun ang i-improve at palitan, dapat suriin ng maayos ano ba talaga ang mga programa na nakatulong sa mga tao.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa Social Doctrine of the Church, kinakailangan na sa mga programa ng pamahalaan, ang kapakanan ng nakararami lalo na ang mahihirap ang laging mananaig para maramdaman nilang sila ay may dignidad at sila ay bahagi ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,601 total views

 14,601 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,701 total views

 22,701 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,668 total views

 40,668 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,912 total views

 69,912 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,489 total views

 90,489 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,673 total views

 91,673 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,617 total views

 87,617 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 34,183 total views

 34,183 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 34,194 total views

 34,194 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 34,198 total views

 34,198 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top