Emergency power, loko-lokong panukala vs trapiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356 total reads

Walang sapat na basehan ang pagbibigay ng emergency power sa susunod na administrasyon upang masolusyunan ang patuloy na suliranin ng mabigat na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director of Institute for Political and Electoral Reform, ang suliranin sa trapiko ay maituturing na isang ordinaryong problemang dapat tugunan ng mga partikular na tanggapan o ahensyang may mandato kaugnay nito at hindi direktang prolemang dapat tutukan ng Pangulo.

“Basahin mo yung Konstitusyon, ano ang basis ng emergency power? Ang problema sa traffic ay ordinaryong problema ng governance. The President for that matter, hindi naman siya yung immediately nasa harap niyan eh. May MMDA yan eh in the case sa Maynila, mag-aapoint siya ng tao diyan bakit mo kakailanganin ng emergency power? Walang justification, ako tingin ko loko-loko yung naglabas ng ganyang proposal may ibang agenda…” Ang bahagi ng pahayag ni Prof. Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, ilang grupo ng mga negosyante ang nanawagang bigyan ng emergency power ang susunod na Pangulo, upang mas mabilis na maisagawa ang mga proyekto para sa transportasyon sa loob ng dalawang taon.

Samantala, batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority, nasa P2.4 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan kada araw, bunsod ng matinding trapiko sa mga lansangan, dahil sa nasasayang na gasolina, kuryente at pagkaantala sa trabaho ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 65,192 total reads

 65,192 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 103,071 total reads

 103,071 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 137,199 total reads

 137,199 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 193,605 total reads

 193,605 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 29,801 total reads

 29,801 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top