Mga casino, unahing ipasara bago ang jueteng

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Unahin munang ipasara ang mga casino bago isunod ang jueteng sa bansa.

Ito ang payo ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pinaiigting na kampanya kontra iligal na sugal sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Archbishop Cruz, founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, lalong nailapit ang mga tao sa bisyo ng pagsusugal mula ng pinahintulutan ng nakaraang administrasyon ang operasyon ng 35-malalaking casino sa bansa.

“Ang sinasabi ko noong araw, ang legal na sugal ay PAGCOR lang, iilan lang. Ang iligal na sugal na jueteng ay 42 iyan, pero ngayon yung casino ay 35 so kung tutuusin gustong alisin ang bisyo talaga, yung casino ang dapat isara. Unahin na ang casino kaysa sa jueteng.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit ni Archbishop Cruz na dahil sa mga naglipanang casino sa bansa ay mas lalo lamang naging talamak ang ‘money laundering’ na siya ring naghikayat ng maraming negosyante na pasukin ang ganitong maling kalakaran.

“Yung mga nagsusugal sa casino huwag mong sabihin sa akin mga banal iyan. Iyan ay kung saan – saan kumukuha ang pera pagkatapos kung saan-saan ginagamit ang pera at marami diyan ay money laundering ang tawag. Yung perang hindi mo maipaliwanag kung saan galing idadaan mo doon sa sugal, paglabas niyan malinis na.” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Magugunitang nagsimula ang STL o small town lottery noong 2005 sa layuning wakasan ang jueteng sa bansa.

Nauna na ring ipinanawagan ni Archbishop Cruz kay PCSO General Manager Alexander Balutan magbitiw na sakaling hindi nito kayang wakasan ang jueteng sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 103,445 total reads

 103,445 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 138,450 total reads

 138,450 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 172,583 total reads

 172,583 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 228,988 total reads

 228,988 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 322,186 total reads

 322,186 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 428,271 total reads

 428,271 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top