Mga halal na opisyal ng bansa, hinimok na tularan ang pagiging mabuting lider ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,020 total reads

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga bagong luklok ng opisyal ng Pilipinas na tularan si Hesus na mabuting pastol sa pangangalaga sa sangkatauhan.

Iginiit ng obispo na si Hesus ang bukod tanging huwaran ng pagiging mabuting lider na taglay ang mga katangiang nararapat sa pamumuno ng kawan.

Tinuran ni Bishop Uy ang sipi ni San Aloysius Gonzaga na sinasabing mas mabuting maging anak ng Diyos kaysa maging hari ng mundo na dapat isaisip ng mga pinuno ng bayan.

“My dear brothers and sisters, I pray that all our newly elected public officials will remember that saying of St. Aloysius until the end of their term, if not until their last breath,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Tinukoy ng opisyal ang katangian ng mabuting pastol na handang mag-alay ng sariling buhay para sa kabutihan ng nakararami.

Bukod sa kahandaan ng pag-aalay ng sarili sa bayan ay dapat ding taglayin ng mga opisyal ng bayan ang integridad sa kanilang pamumuno at katapatan sa sinumpaang tungkulin.

“Their commitments as shepherds is total, it cannot be half baked or else they will lose their sheep; ready to sacrifice putting the needs of another ahead of ours it means to be selfless to set aside personal interest,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Umaasa si Bishop Uy na tunay ang hangarin ng mga nailuklok na lider lalo na sa pagresolba sa usapin ng korapsyon na malaking hadlang sa pag-unlad ng bayan.

“Integrity, meant a sincere advocacy to curve graft and corruption and to begin a new culture of honest and transparent governance,” giit ng obispo.

Hamon ni Bishop Uy sa mga lider ng bayan na gawing prayoridad ang higit na pangangailangan ng mamamayan sa pagpatupad ng mga programang makabubuti sa pamayanan.

Samantala pormal nang nanumpa si President Ferdinand Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Republika ng Pilipinas kasabay ng pagsimula ng paninilbihan ng halos 19-libong opisyal sa pambansa at lokal na posisyon sa bansa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 10,583 total reads

 10,583 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 38,893 total reads

 38,893 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 79,452 total reads

 79,452 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 105,410 total reads

 105,410 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 153,677 total reads

 153,677 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 174,037 total reads

 174,037 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top