Pangulong Marcos Jr.,hinamon ng ATM na lumikha ng “green agenda”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total reads

Ikinabahala ng Alyansa Tigil Mina (ATM) na wala pa ring itinalagang Environment secretary ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. gayong ang kalikasan na nahaharap sa climate crisis ang dapat na bigyang prayoridad.

Ayon sa grupo, noong pangangampanya ni President Marcos, Jr. ay nakitaan ito ng kakulangan sa plataporma at programa sa pagtugon sa mga usaping pangkalikasan at klima.

“Having the environment and climate portfolios as a blind or weak spot in the new administration is unacceptable,” ayon sa ATM.

Para tugunan ang climate crisis, iminungkahi ng A-T-M sa pangulo na magtalaga ng kalihim sa Department of Environment and Natural Resources na tunay na makakalikasan at walang anumang ugnayan sa malalaking kumpanya na lumalabag sa mga panuntunan ng ahensya.

Inirekomenda din ng grupo ang pagkakaroon ng environmental summit o dayalogo kasama ang mga apektadong komunidad, mga makakalikasang grupo, at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mapag-usapan ang mga layunin at programa ng administrasyon para sa kalikasan lalo na sa pagmimina.

“Convene a multi-stakeholder dialogue to tackle current mining issues, to involve the DENR-MGB, the mining industry and mine-affected communities and their support groups. Main concerns should cover assessment of EO 130 or the Mining Policy of the Duterte Administration, reviewing the ban on open-pit mining and the suspension of illegal mining operations,” mungkahi ng grupo.

Iminungkahi din ng A-T-M kay Pangulong Marcos Jr. na lumikha ng “Green Agenda” na hiwalay at naiiba sa pangkaraniwang unang 100-araw na agenda na nakatutok sa ekonomiya at lipunan.

Hinimok rin ng grupo ang pangulo na hikayatin ang mga mambabatas na pagtibayin ang Green Bills o mga kaukulang batas para sa karapatan ng kalikasan.

Hinihiling naman ng grupo sa Marcos Jr administration na tiyakin ang bansa ay magiging ligtas para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na mahalagang maging mapagmatyag ang komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 108,417 total reads

 108,417 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 145,203 total reads

 145,203 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 175,778 total reads

 175,778 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 224,184 total reads

 224,184 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 285,769 total reads

 285,769 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 55,196 total reads

 55,196 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top