Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga kabataan, hinimok na maging bahagi ng pagbabago sa SK at Barangay elections

SHARE THE TRUTH

 350 total views

Mahalaga ang pakikibahagi ng mga kabataan sa pamahalaan kaya’t mahalagang makiisa ang lahat sa nakatakdang SK at Barangay Elections.

Ito ang panawagan ni Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV – chairman Senate Committee on Education, Arts, and Culture dalawang buwan bago ang nakatakdang halalang pambarangay.

Ayon sa Mambabatas mahalagang makisangkot ang bawat isa sa nakatakdang SK at Barangay elections lalo’t inaasahang unang beses ring ipatutupad ang SK Reform Law sa bansa.

“I think yung maganda ring development is lahat ng mga registered na mga 18 years old to 30 automatically nakarehistro na sila sa SK if they voted in the last election so ang mahalaga ngayon palagay ko is pag-isipan nating tumakbo and be part of the process…” pahayag ni Senator Aquino sa panayam sa Radio Veritas.

Nasasaad nga sa bagong SK Reform Law na maaaring bumoto sa SK ang mga may edad na 15 hanggang 30-taong gulang ngunit ang maaari lamang tumakbo para sa katungkulan ay ang mga may edad 18 hanggang 24-taong gulang.

Kaugnay nito, matapos ang dalawang linggong muling pagbubukas ng registration, tinataya ng Commission on Elections na 2-milyon ang mga nagparehistro para sa halalang pambarangay sa ika-31 ng Oktubre.

Samantala, nakatakda naman ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong Barangay at SK Officials mula ika-3 hanggang ika-5 ng Oktubre kung saan bahagi ng COC na lalagdaan partikular ng mga SK Candidates ang pagtiyak na wala silang kamag-anak sa mga halal na opisyal na maaaring maging batayan ng posibleng diskwalipikasyon sa kanilang posisyon.

Matatandaang sa naganap na Encounter with the Youth sa UST, ni Pope Francis noong ika-18 ng Enero taong 2015 ay hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang tunay na makapagbahagi sa kapwa, partikular na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 6,128 total views

 6,128 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 20,839 total views

 20,839 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 33,697 total views

 33,697 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 107,981 total views

 107,981 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 163,635 total views

 163,635 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567