Mga Kasanayan para sa Bagong Panahon

SHARE THE TRUTH

 514 total views

Kapanalig, iba na ang job market ngayon. Marami ng mga trabaho ang wala sa ating mga merkado ng mga nakalipas na taon. Magandang balita ito para sa maraming kabataan natin na naghahanap ng trabaho. Oportunidad ito para kumita ng mas malaki at magkaroon ng bagong kaalaman.

Kaya lamang, bago tayo makapasok sa mga makabagong trabaho ngayon, kailangan din natin, syempre, ng bagong kasanayan. Hindi natin maabot ang mga bunga at ganansya ng bagong merkado kung wala tayong kasanayan para dito.

Kapanalig, ang bulko ng mga bagong trabaho ngayon ay digital. Ayon nga sa isang pag-aaral, 75% ng mga employers sa apat na bansa sa Asya at Pasipiko ay tumaas ang demand para sa mga digital jobs nitong nakaraang limang taon. Inaasahan na mas tataas pa ang demand nito dahil tinatayang aabot ng $2 trillion ang e-commerce pagdating ng 2025. Handa ba ang ating education sector sa hamon na ito? Kaya bang magbigay ng kakailanganing kasanayan ng mga mag-aaral upang handa sila sa demand ng bagong merkado?

Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), mababa ang digital literacy rate sa ating bayan. 40% lamang ang may isa sa anim na ICT skills na binabantayan para sa Sustainable Development Goals o SDG.

Kapanalig, para maging handa ang ating mga kabataan sa nagbabagong mundo ng komersyo sa buong mundo, kailangan natin pataasin, unang una ang digital literacy sa ating bansa. Hindi lamang ito hadlang sa pag-unlad ng mga kabataan. Ang  mababang digital literacy ay hadlang din sa paglago ng ekonomiya ng bayan.

Komprehensibo dapat, kapanalig, ang ating pagtugon sa isyung ito. Kailangan tingnan din dito ang comprehension skills at math skills ng mga kabataan dahil ito ay pundasyon ng digital skills. Mahihirapan maka-akyat ng lebel ng digital skills mula basic hanggang advanced kung hirap magbasa at magbilang ang mga bata. Kung toothbrush drills pa lamang ang ating inihahanda ngayon para sa mga bata, malayo pa ang ating kailangang habulin.

Ang pagbibigay ng kasanayan sa mga mamamayan upang sila at ang kanilang pamilya ay maka-angat sa buhay ay ehemplo ng panlipunang katarungan. Sabi nga sa Pacem in Terris, lahat ay may karapatan sa mga paraan na angkop para sa wastong pag-unlad ng buhay. Kung ipagkakait natin ang mga kasanayan na kailangan ng mga kabataan para sa makabagong merkado, hindi lamang kinabukasan nila ang ating sinisira. Sinisira din natin ang kinabukasan ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 109 total views

 109 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,133 total views

 21,133 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,105 total views

 40,105 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,770 total views

 72,770 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,780 total views

 77,780 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PRIVATIZATION

 110 total views

 110 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,134 total views

 21,134 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,106 total views

 40,106 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,771 total views

 72,771 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,781 total views

 77,781 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 119,757 total views

 119,757 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 116,773 total views

 116,773 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 118,702 total views

 118,702 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 127,811 total views

 127,811 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 111,975 total views

 111,975 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »
Scroll to Top