Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga OFW, misyinero ng Mabuting Balita-Bishop Bastes

SHARE THE TRUTH

 298 total views

Maituturing rin na mga misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon ang mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes–Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission ngayon papalapit na panahon ng Kuwaresma.

Paliwanag ng Obispo, bukod sa paghahanapbuhay sa iba’t ibang bansa upang makapagbigay ng magandang buhay sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas ay nagsisilbi ring tagapagpalaganap ng pananampalatayang Katoliko ang mga Pilipino sa ibayong dagat.

“They would atleast be witness of the faith if they will not directly proclaim atleast they are witness that they are good Christian, good Catholic and then they are also doing a lot of activities in the local church like in America, so many Filipino are going to Church, it’s just because of Filipino’s that somehow many parishes in America are still alive, and we are encouraging it…” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bastes, sa panayam ng Radyo Veritas

Pagbabahagi pa ng Obispo, hindi na kailangan pang ipahayag ng mga OFW ang partikular na mga Salita ng Diyos sapagkat sapat na ang buhay na pananalig at pananampalatayang ipinapamalas ng mga Filipino sa kanilang pagsusumikap na maghanapbuhay malayo sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5,000 mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw na kung susumahin ay tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon.

Una na ngang binigyang diin ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People ang halagahan ng mga OFW sa lipunan at kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2015 tumaas pa ng 3.6 na porsyento ang OFW cash remittance na umabot sa 22.83-billion dollars kumapara sa 22.08-billion dollars noong 2014.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 10,144 total views

 10,144 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 40,225 total views

 40,225 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 54,284 total views

 54,284 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 72,781 total views

 72,781 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567