Mga simbahan sa Diocese of Maasin, binuksan sa mga apektado ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Binuksan ng Diyosesis ng Maasin, Southern Leyte ang mga simbahan na maging pansamantalang matutuluyan ng mga apektado ng bagyong Odette.

Ayon kay Maasin Bishop Precioso Cantillas, sapilitang pinalikas ang mga residente lalo na sa mga naninirahan sa tabing-dagat upang maiwasan ang panganib mula sa pananalasa ng bagyo.

“Forced evacuation na ang mga naninirahan sa tabing dagat. May mga evacuees na kinupkop sa mga covered court or gymn ng mga parokya, kagabi hanggang ngayon,” pahayag ni Bishop Cantillas sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na ipinagpatuloy pa rin kanina ang unang simbang gabi sa diyosesis bagamat bahagya nang nararamdaman ang epekto ng bagyong Odette sa lalawigan.

“Natuloy ang mga simbang gabi kanina sa mga parokya at kapilya dito sa Maasin kahit na simula pa kahapon ay ramdam na ang pag-uulan at ihip ng hangin mula sa bagyo,” ayon sa obispo.

Samantala, dalangin naman ni Bishop Cantillas ang ganap na kaligtasan ng lahat laban sa pananalasa ng bagyo at manaig sa bawat isa ang pagmamalasakit at pagtutulungan.

“O maawaing Ama, iligtas N’yo kami sa malubhang pinsala na magiging dulot nitong Bagyong Odette. Nawa’y madama namin ang Iyong kalinga at pagmamahal sa mga sandaling ito, at nawa’y patuloy din ang pagtutulungan namin sa isa’t isa. O, Mahal naming Patrona sa Diyosesis ng Maasin, ang Birhen ng Asuncion, tulungan mo kaming lahat na maligtas sa lahat ng pinsala,” panalangin ng Obispo.

Naunang nagpahayag ang Archdiocese of Cagayan de Oro at Diocese of Surigao na bukas ang kanilang mga simbahan sa mga evacuees.

Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Odette sa layong 175 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometro kada oras patungo sa direksyong pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,606 total reads

 130,606 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,755 total reads

 173,755 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,513 total reads

 223,513 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,707 total reads

 382,707 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,853 total reads

 403,853 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,407 total reads

 191,407 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top