Military Ordinariate, nagpaabot ng pagbati sa mga pinalayang PDL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,352 total views

Nagpaabot ng pagbati si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na pinalaya bago ang pasko ng pagkasilang ni Hesus.

Ayon sa Obispo na kasaping miyembro ng prison ministry ng Simbahan, mahalaga at napapanahon ang pagpapalaya sa mga bilanggo upang makapiling ang mga mahal sa buhay sa pagsapit ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.

“Congratulations doon sa mga napalaya at maraming salamat din sa mga ahensya ng gobyerno na tulong tulong upang itong mga kapatid natin ay makaisa sa kanilang mga pamilya lalong lalo na sa paskong ito at sa bagong taon.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Oscar Jaime Florencio sa Radio Veritas.

Itinuring ng Obispo ang kalayaang ipinagkaloob ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology sa mga eligible PDLs na magandang regalo.

“Ito po ay magandang kanilang gift on this Christmas and this New Year, so ito po ay siguro bigyan po natin ng congratulations ang ating BJMP at saka yung Bureau of Corrections na kung saan sila po ay hinihikayat nila na mayroon po tayong palalayain na ganito karami.” Dagag pa ni Bishop Florencio.

Binigyang diin naman ni Bishop Florencio na ang pagbibigay ng kalayaan sa mga karapat-dapat na mga bilanggo ay hindi nangangahulugang gumawa ng masama at lumabag sa batas ang sinuman.

“Hindi ibig sabihin na anyway pinapalaya din tayo ay okay lang gumawa ng mga hindi karapat-dapat, hindi po. Kung ano yung alam natin na hindi tama ay hindi tama talaga yan. Mananatili tayo sa mga mabuting”.paliwanag ni Bishop Florencio.

Ilang araw bago ang pasko ay pinalaya ng BuCor ang mahigit sa 300 bilanggo kung saan 129 sa nasabing bilang ay nabigyan ng parol, 154 ang o nakumpleto na ng kanilang sentensya, walo naman ang pinawalang sala ng hukuman at 33-senior citizens ang pinalaya.

Unang umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco ng “gesture of clemency” sa mga lider ng iba’t ibang bansa para sa mga eligible PDLs ngayong pasko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 8,847 total views

 8,847 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 33,163 total views

 33,163 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 68,953 total views

 68,953 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 110,711 total views

 110,711 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 163,362 total views

 163,362 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top