Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mining ban sa Mindoro, suportado ng ATM at simbahan

SHARE THE TRUTH

 1,500 total views

Suportado ng Alyansa Tigil Mina ang panukalang batas sa Kongreso na ipinag-uutos ang pagbabawal sa lahat ng uri ng pagmimina sa isla ng Mindoro.

Kabilang dito ang blacksand mining, armour rock mining at ang mineral extraction.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, maituturing na magandang hakbang ang panukala lalo’t higit sa mga matagal nang isinusulong ang pangangalaga sa Mindoro laban sa pinsalang dulot ng pagmimina.

“It sends an encouraging signal to mining-affected communities to continue the fight against harmful mining operations.” pahayag ni Garganera.

Ang House Bill 3891 o ang Mindoro Island Mining-Free Zone Act ay ini-akda ni Oriental Mindoro Representative Arnan Panaligan, na naglalayong panatilihin at pangalagaan ang mga likas na yaman ng Oriental at Occidental Mindoro.

Sinabi ni Garganera na kapag ganap nang naisabatas, tiyak na makakatulong ang panukala upang mabawasan ang mga panganib na maaaring idulot ng iba’t ibang sakuna.

“Considering that Mindoro has suffered the impact of environmental destruction, such as flooding, it is reassuring that the bill seeks to preserve the natural resources of the island, thereby preventing disasters in the future.” saad ni Garganera.

Hinimok naman ng Alyansa Tigil Mina ang mga miyembro ng Kongreso na suportahan ang panukala, at paghikayat sa iba pang kongresista mula sa mga apektado ng pagmimina na lumikha rin ng batas upang mapangalagaan ang kanilang mga lalawigan.

Samantala, pinuri naman ni Calapan Social Action Director Fr. Edu Gariguez ang inisyatibo ni Panaligan at tiniyak ang pagsuporta sa panukalang batas.

Pagbabahagi ni Fr. Gariguez, matagal nang katuwang ng mamamayan at simbahan si Panaligan sa panawagang pangalagaan ang inang kalikasan at tutulan ang anumang gawaing makapipinsala sa isla ng Mindoro.

“Ang panukalang batas na ito ang katuparan ng matagal ng pangarap upang gawing tunay na matibay ang tindig ng buong isla laban sa mapaminsalang malawakang pagmimina sa Mindoro! We support Housebill No. 3891!.” pahayag ni Fr. Gariguez.

Batay sa huling tala, mayroong 55 aktibong mining sites ang Pilipinas at may ilan pang kumpanyang naghihintay ng pahintulot upang makapagsimula ng operasyon.

Sang-ayon sa ensiklikal na Laudato Si, mariing tinututulan ng ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mining industry sapagkat nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga komunidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,336 total views

 22,336 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,396 total views

 36,396 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 54,967 total views

 54,967 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,663 total views

 79,663 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 16,812 total views

 16,812 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567