Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mining ban sa Pilipinas, panawagan ng Obispo ng Borongan

SHARE THE TRUTH

 2,673 total views

Iginiit ni Borongan Bishop Crispin Varquez na walang mabuting maidudulot ang patuloy na pagpapahintulot sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Varquez, hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan ang pagmimina na nagiging sanhi lamang ng pinsala sa kalikasan, lalo na sa mga mahihirap na pamayanang umaasa lamang sa pagsasaka at pangingisda.

“Hindi talaga dapat pinapayagan ang anumang klase ng mining. Destructive kasi ang pagmimina sa environment and community. Hindi lang ang mga tao ang mag-suffer kun’di kasama na ang kalikasan. Kaya ang Diocese of Borongan ay hindi talaga susuporta d’yan sa pagmimina lalo na dito sa Samar Island,” bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunita nitong Abril nang maglabas ng pahayag ang Diyosesis ng Borongan laban sa pagmimina sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Sinabi ni Bishop Varquez na sa kabila ng kanilang panawagan ay patuloy pa ring pinapahintulutan ang mga pagmimina sa isla na unti-unting sumisira sa likas na ganda nito.

“Hindi lang naman mineral ang kinukuha nila kun’di pati ‘yung lupa, yung ore mine nila. Kaya ano pang maiiwan sa mga tao? Nasisira na ‘yung magandang kagubatan at bundok dito. ‘Yung water system or source of water is affected na pati ‘yung marine life and farm areas,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaya naman muling nanawagan ang Obispo sa mga kinauukulan na ihinto na ang pagbibigay ng permit sa mga kumpanya ng pagmimina para mapigilan at mailigtas pa ang Homonhon Island mula sa tuluyang pagkasira.

Kaugnay nito, kinondena nina Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos at Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang “Big brother-Small brother” strategy ng Department of Environment and Natural Resources na layong makatulong para sa pag-unlad ng sektor ng pagmimina sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,609 total views

 28,609 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,709 total views

 36,709 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,676 total views

 54,676 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,709 total views

 83,709 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,286 total views

 104,286 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,095 total views

 9,095 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,373 total views

 10,373 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,784 total views

 15,784 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top