14,799 total views
Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa.
Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang teachers training ay misaligned o hindi naakma sa reyalidad…Sinasabing ang pagsasanay ng mga guro ay overly generic, compliance driven, disconnected sa tunay na hamon mula sa pangangasiwa sa gawi ng mga estudyante tungo sa paggamit ng makabagong gamit o digital tools.
Kapanalig, ang payo ng mga eksperto sa edukasyon…kailangan na daw ituro sa mga nag-aaral na maging guro ang localized, classroom-focused teacher development.
Problema din., karamihan sa mga Teacher Education Institutions (TEIs) ay tinatanggap ang mga estudyante na walang motibasyon na ipagpatuloy ang education degree o kaya’y lumipat mula sa ibang programa na nagpapahina sa kabuuang education aptitude at sense of mission ng mga gustong maging guro.. Kapag, walang motibasyon…fallback at second choice lamang ang teacher education apektado nito ang kuwalidad ng edukasyon.
Ang masaklap Kapanalig, 77-TEIs na nag-aalok ng Bachelor of Elementary Education at 105 naman ang Bachelor of Secondary Education program ay zero(0%) percent ang passing rate sa Licensure Examination for Teachers (LET) mula 2012-2022 ay pinayagan pang makapag-operate.
Kung hindi ipasara., obligahin ang mga TEI na i-refine ang admission criteria at pagbuo ng mga programa na nagpapakita sa kahalagahan ng pagtuturo hindi lamang financially kundi para sa pampublikong serbisyo.
Dahil sa hindi epektibo o akmang pagtuturo sa mga gustong maging guro, pinapahina ng maraming TEIs ang standardization sa paghahanda ng mga guro. Hindi dapat ang “one-size fits all”.
Suliranin din na ipinagsasawalang bahala ng lahat ng stakeholders ang usapin ng behavioral at mental health sa mga estudyante particular na ang anxiety, attention issues at kawalan ng socialization.
Nanindigan ang PIDS na malaking tulong ang digital tools at artificial intelligence sa pagtuturo, gayunman Kapanalig, mas mahalaga pa rin sa pagtuturo ang “personal touch”. Importante din na maunawaan ng mga teacher students ang hangganan sa pagitan ng responsableng paggamit ng AI.
Kapanalig, hindi dapat kalimutan ng pamahalaan, school administrators, mga magulang ang higit na suporta sa mga mag-aaral at guro..Kailangan natin ang “inclusive education” kung saan nagtutulungan ang lahat ng sektor ng lipunan., mga paaralan, pamilya, komunidad, faith-based groups, pribadong sektor at policymakers.
Kapanalig, sinasabi ng Proverbs 22:6 “Train up a child in the way he should go; even when he is old he will not depart from it”.
Ayon sa Romans 12:7 – “If service, in our serving; the one who teaches, in his teaching”.
Sumainyo ang Katotohanan.