Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

SHARE THE TRUTH

 6,031 total views

Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas.

Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery para ipanawagan ang isang malinis na Undas ngayong taon.

Nakasama ng grupo ang Miss Earth beauty queens mula sa Pilipinas, Argentina, El Salvador, Liberia, Namibia, Nepal, Netherlands, Northern Marianas, Slovenia, at Amerika.

Hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na sundin ang “Cemetiquette” o mga patnubay sa responsableng pagdalaw sa sementeryo, tulad ng paggamit ng reusable bags, food containers, at tumblers sa halip na single-use plastics, tamang pagtatapon ng basura, at pag-iwas sa paninigarilyo o pag-vape.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay hindi lamang nakaaapekto sa kasagraduhan ng mga sementeryo kundi nakasasama rin sa kalikasan.

“As we gather in cemeteries to honor our departed loved ones, let us also remember our collective duty to protect the environment. Littering and improper waste disposal not only mar the sanctity of these sacred spaces but also contribute to environmental degradation,” ayon kay Lucero.

Suportado naman ng Miss Earth Foundation ang panawagan ng EcoWaste Coalition laban sa basura sa mga sementeryo sa Metro Manila at sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Miss Philippines Earth Ihra Mel Alfeche ang kahalagahan ng kalinisan at responsibilidad ng bawat isa sa pangangalaga ng kalikasan.

“We join the EcoWaste Coalition in calling for zero littering in cemeteries and in advocating for eco-friendly practices during Undas. We can make this time-honored tradition more beautiful by showing respect to the dead and the living, and by taking responsibility for our environment. We invite everyone to embrace Zero Waste Undas for the sake of the common good,” ayon kay Alfeche.

Ayon sa Manila Public Information Office, noong nakaraang Undas ay nakalikom ng 229 metriko tonelada o 86 truck ng basura mula sa Manila North at South Cemeteries mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1, 2023.

Una nang hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 4,924 total views

 4,924 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,024 total views

 13,024 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 30,991 total views

 30,991 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,374 total views

 60,374 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 80,951 total views

 80,951 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,621 total views

 7,621 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 8,914 total views

 8,914 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,313 total views

 14,313 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,295 total views

 16,295 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top