Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 747 total views

Alam niyo kapanalig, maraming mga nanay sa ating panahon ngayon ay hirap na hirap. Marami sa kanila, kailangang pagsabayin ang pangangalaga sa kanilang mga anak, pangangalaga sa kanilang mga bahay, at pagtatrabaho. Ang gawain ng nanay ay hindi natatapos, pero parang hindi ito napapansin o nabibigyang halaga ng lipunan, maliban na lamang kung mother’s day. May pagkakataon pa nga na kahit mother’s day, maghahanda tayo, pero nanay pa rin natin ang mag-aasikaso at magliligpit nito.

Kapanalig, kailangan nating suriin at lapatan ng suporta at solusyon ang sitwasyon ng mga nanay sa ating lipunan, dahil hindi birong usapin ito, at hindi lamang ito domestic issue. Ito ay isyung panlipunan – isyung panlipunang katarungan. Hindi makatarungan, kapanalig, na sa ating bayan, ang mga bokasyon, pangarap, at kalayaan ng  mga nanay ay napipigilan dahil binabagsak natin sa kanilang mga balikat ang mga obligasyon at tungkulin na dapat ay ating pinaghahati-hatian at pinagtutulungan.

Tingnan na lamang natin, kapanalig, ang sitwasyon ng mga single mothers ng ating bayan. Inabandona ng kanilang mga ka-partners, pero marami sa kanilang mga ka-partners, pati mga anak at ang mga obligasyon nila sa kanilang mga anak, ay nilimot na rin.  

May pag-aaral na nagsasabi na halos 15 million ang mga single parents sa ating bayan. At alam mo ba kapanalig, tinatayang 95% nito, o mahigit 14%, ay mga nanay.

Kapanalig, isipin man lang natin, paano nagagawa ng mga single parents na ito na buhayin ang kanilang mga anak, lalo ngayong pataas ng pataas ang bilihin at pagkadami-daming suliranin ang bayan, kasama pa ang COVID-19? Paano kaya nila pinag-aaral ang kanilang mga anak? Paano nila hinahatid-sundo sa paaralan, nabibili ang kanilang mga pangangailangan, inaalagaan pag may sakit, pinapakain sa araw-araw? Paano pa sila nagtatrabaho at kumikita ng pera?

Kapanalig, ang mga hamon na ito ay hindi lamang minsanan para sa mga single mothers. Araw araw nila itong hinaharap.

Ang ating lipunan, kung tunay tayong nanalig at nagmamahal sa Diyos, ay hindi dapat pumapayag na may kahit sino o kahit anong sektor sa bayan ang naiiwang mag-isa sa gitna ng mga hamon ng buhay. Hindi ito dapat nangyayari sa mga ina, single mothers man sila o hindi. Kailangan ng ating lipunan ng malawakang paradigm shift at pagmumulat ng mata ukol sa napaka-dayang sistemang nagmumula mismo sa ating mga tahanan.   

Kapanalig, ang Pacem in Terris ay may gabay ukol dito para sa atin: Any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person. Lahat tayo, babae man o lalaki, ay may dignidad. Hindi nararapat na ang mga ina ng tahanan ay araw araw na lamang nanakawan nito, dahil lamang sa maling sistema at paniniwalang sumisikil sa kanilang dignidad, kalayaan, at kaunlaran.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 9,189 total views

 9,189 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 27,760 total views

 27,760 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 53,220 total views

 53,220 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 64,021 total views

 64,021 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 3,625 total views

 3,625 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

MISALIGNED

 9,190 total views

 9,190 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 27,761 total views

 27,761 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 53,221 total views

 53,221 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 64,022 total views

 64,022 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 92,043 total views

 92,043 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 100,755 total views

 100,755 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 104,386 total views

 104,386 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 106,942 total views

 106,942 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 109,320 total views

 109,320 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »
1234567