61,195 total views
Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno sa pondong gagamitin sa operasyon ng pamahalaan at mga “baby” projects” ng mga ahensiya ng pamahalaan, mga kongresista at mga Senador.
Sa kasalukuyan, mainit ang balitaktakan…mga argumento, mga dahilan sa kontrobersiyal na paglilipat sa 89.9-bilyong sobrang reserve funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH). Linawin natin Kapanalig, ang bilyunes na perang ito ay pera ng taumbayan.
Sa oral arguments sa Korte Suprema sa fund transfer, inaalam ng Korte Suprema kung bakit gusto-gusto ng pamahalaan na ire-allocate o ilaan ang 89.9-bilyong piso sa mga proyekto na napondohan na sa General Appropriations Act o pambansang badyet ng Pilipinas.. Nais ng gobyerno na gamitin ang pondo sa infrastructure project, peace process at modernisasyon ng military… Ang mga proyektong ito ay tinatawag na “unpredictable expenses” Kapanalig.
Nanindigan ang isang Supreme Court Associate Justice na ang pondo ng PHILHEALTH ay dapat gamitin sa sarili nitong programa para sa mga benepisaryo at hindi para sa ibang proyekto at ibang kadahilan..Kapag pera, pinag-aagawan… Naninindigan ang Department of Finance na gamitin ang pinag-aagawang pondo sa maintenance ng national roads, Panay-Guimaras Negros Island bridges project at payment of right of way. Payag ka ba Kapanalig, ang pera natin na para sa ating kapakanan at kalusugan ay gagamitin daw gobyerno sa mga proyekto na napondohan na? … o sa malamang ibubulsa lamang ng iilan?
Ang tanong Kapanalig, paano gagamitin ang pinag-aagawang pondo ng pamahalaan sa isang proyekto na hindi pa nasisimulan? Natuklasan pa sa nasabing oral arguments na nakapaloob sa GAA 2024 na 459-miklyong piso ang inilaan sa Office of the Presidential Peace Process at 688-milyong piso din ang inilaan sa mga unprogrammed appropriations..Kasakiman na itong maituturing Kapanalig.
Simple lang, ang peace process ay hindi bahagi sa mandato ng PHILHEALTH, bakit nila pinag-iinteresan ang pondo na hindi para sa kanila?
Malalagay sa balag ng alanganin ang “health program” sa paglilipat ng Philhealth funds. Hindi na nga ma-access ang public healthcare sa kasalukuyan ay lalo pang magpapahirap ito sa mga benepisaryo sa kanilang pangangailang pangkalusugan.
Ang public funds ay dapat direktang ilaan para sa libreng healthcare… hindi para sa negosyo..hindi para sa katiwalian at hindi para sa pork barrel ng mga mambabatas. Kapanalig, hindi dapat pinapatakbo ang PHILHEALTH na isang negosyo, ito ay dapat isang government service..serbisyo publiko.
Sinasabi sa Peter 1:4 “For by these He has granted to us His precious and magnificent promises, so that by them you may become partakers of the divine nature, having escaped the corruption that is in the world by lust.”
Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church No.411 “Political corruption compromises the correct functioning of the State, having a negative influence on the relationship between those who govern and the governed. It causes a growing distrust with respect to public institutions, bringing about a progressive disaffection in the citizens with regard to politics and its representatives, with a resulting weakening of institutions”.
Sumainyo ang Katotohanan.