Natuto na ba tayo pagkatapos ng Ondoy?

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Mga Kapanalig, pitong taon na ang nakalilipas, sa araw na ito, nang manalasa ang Bagyong Ondoy. Bagamat hindi ito kasinlakas ng Bagong Yolanda at hindi kasinlawak ang pinsalang iniwan nito kumpara sa naganap sa Tacloban at ibang lugar sa Visayas, inilantad ng Bagyong Ondoy ang mahinang paghahanda natin sa mga kalamidad, ang maling paggamit ng lupa at espasyo lalo na sa mga lungsod, at ang matinding epekto ng hindi natin pangangalaga sa kalikasan.

Itinuturing na kakaiba ang Bagyong Ondoy dahil bagamat mahina ang hanging dala nito, ang dami ng ulang ibinuhos nito nang tuluy-tuloy (lalo na sa Metro Manila) sa loob lamang ng siyam na oras ay katumbas ng isang buwang pag-ulan. Kaya naman maraming bayan at lungsod ang lumubog sa lampas-taong baha. Mahigit isang milyong pamilya ang naapektuhan, marami ang nawalan ng bahay, at halos 500 ang naitalang namatay.

Masasabing pinakamatindi ang epekto ng bagyong iyon sa mga maralitang tagalungsod, ang mga pamilyang walang katiyakan sa paninirahan at nagtitiis sa kanilang barung-barong sa gilid ng mga ilog at estero. Alam nilang mapanganib manirahan sa ganoong mga lugar, ngunit doon lamang kasi sila maaaring manirahan dahil sobrang taas ng presyo ng lupa sa mga lungsod at kulang na kulang ang murang pabahay. Pinalalâ pa ito ng katiwalian sa lokal na pamahalaan at ang kawalan nito ng aksyon upang kontrolin ang paglaki ng mga pamayanang ito. Pinili ng mga pamilyang ito na manirahan sa mga tinatawag na “danger areas”, hindi dahil gusto lamang nila kundi dahil mas malapit ang mga iyon sa mga trabahong akma sa kanilang kaalaman at kasanayan.

Ito ang katotohanang dapat sana’y naunawaan natin pagkatapos ng Bagyong Ondoy, ngunit pinilit na palabuin ng mga taong nais alisin ang mga mahihirap sa mga lungsod.

Matapos ang Bagong Ondoy, kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang pagpapatayo ng mga commercial establishments gaya ng mga malls, gayundin ng mga matatayog na residential condominiums sa mga lungsod. Ngunit hindi ba kayo nagtataka, mga Kapanalig, kung bakit walang lugar na inilalaan para sa mga mahihirap upang maipagpatuloy nila ang kanilang kabuhayan, ang pag-aaral ng kanilang mga anak, at ang pagkakaroon ng access sa maayos na mga serbisyong pangkalusugan? Ito ay dahil sa hindi makatwiran at hindi maayos na paglalaan at paggamit ng lupa sa Pilipinas. Sa ngayon, mas pinapaboran ng pamahalaan, lalo na sa lokal na nibel, ang mga negosyong mapagpapasok ng malaking buwis sa kanilang kaban, gaya ng pagpapatayo ng mall, condominium, at private subdivision. Bihira ang mga lungsod na nagpapatayo ng mga pabahay para sa mahihirap nilang mamamayan.

Nararapat lamang na ilikas ang mga pamilya mula sa mga mapanganib na lugar upang sila ay maging ligtas at upang mapangalagaan ang mga ilog at estero, ngunit nangangailangan ito ng mapagkalingang pagtulong sa kanila. May mga solusyong mas mainam kaysa sa itaboy sila sa malalayong relokasyon kung saan walang maayos na supply ng tubig at mahirap makapaghanapbuhay. Nariyan ang mga tinatawag na high-density housing at community mortgage program ng pamahalaan.

Itinuturo sa atin ng Simbahang ang kayamanan ng mundo, kabilang ang lupa, ay para sa kapakinabangan ng lahat. Ang prinsipyong kung tawagin ay universal destination of goods ay nangangailangan din ng pagtutok natin sa mga mahihirap, sa mga isinasantabi ng lipunan at napag-iiwanan ng kaunlaran. Nililinaw rin ng panlipunang turo ng Simbahan na ang karapatan sa private property ay pumapangalawa dapat sa paggamit ng yaman ng mundo para sa ikabubuti ng lahat.

Ginising tayo ng Bagyong Ondoy sa katotohanan tungkol sa climate change, sa tinatawag na “new normal”. Ngunit may nagbago ba sa pakikitungo natin sa mga taong pinaka-naapektuhan? Bilang isang bayan, natuto ba tayong magbahagi sa kanila, ang ituring silang bahagi ng kaunlaran ng mga lungsod? O hinayaan lamang natin silang ipagtabuyan palabas? Pag-isipan natin, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 36,893 total views

 36,893 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 79,107 total views

 79,107 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 94,658 total views

 94,658 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 107,783 total views

 107,783 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 122,195 total views

 122,195 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 11,683 total views

 11,683 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Pampersonal o pambayan?

 36,894 total views

 36,894 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 79,108 total views

 79,108 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 94,659 total views

 94,659 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 107,784 total views

 107,784 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 122,196 total views

 122,196 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 107,190 total views

 107,190 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 126,295 total views

 126,295 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 132,949 total views

 132,949 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 130,300 total views

 130,300 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 130,344 total views

 130,344 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Scroll to Top