NHCAP, umaasang maipatupad ang plantilla position sa mga hospital Chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,782 total reads

Umaasa ang National Hospital Chaplaincy Association of the Philippines (NHCAP) na tuluyang maipapatupad sa mga ospital ang plantilla position para sa mga hospital chaplain.

Ayon kay NHCAP Ad Hoc Committee head Fr. Dan Cancino, MI, kabilang ito sa mga hangarin ng grupo upang mabigyan ng benepisyo ang mga hospital chaplain na matagal nang naglilingkod sa mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa.

“Ito ‘yung aim natin na sana across all hospitals, lalong lalo na sa government hospitals ay mabigyan talaga ng item ang ating mga chaplains dahil may ibang ospital na mahigit 100 years na ay mahigit 100 years na rin ang presenysa ng ating chaplains,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ni Fr. Cancino na siya ring executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na sa kasalukyan ay walang opisyal na benepisyo o suporta ang mga chaplains kapalit ng kanilang tungkulin sa mga institusyon.

Gayunman, patuloy na gagampanan ng hospital chaplains ang tungkuling gabayan ang mga may karamdaman, pamilyang nangangalaga, at health care workers tungo sa pagpapalalim ng pananampalataya.

Ito’y upang maipadama ang presensya ng Panginoon na hatid ay kagalingan, pag-asa, at katatagan habang patuloy na nilalakbay at hinaharap ang bawat hamon ng buhay.

“Ang pinakapunto dun ‘yung mag-uumpisa ito sa relasyon natin sa Panginoon. ‘Yung tanong pa rin na, bakit all these years nag-aalaga ka, nagbibisita ka, nakikilakbay ka? Talagang buhay na buhay ‘yung synodality, ‘di ba? Nakikilakbay ka sa mga maysakit, sa mga nag-aalaga. Ang sagot, dahil may relasyon tayo sa Panginoon na patuloy na nakikilakbay, patuloy na nangangalaga. Kung Siya, sino ba naman tayo? At ito ‘yung pinaka-konkretong expression ng ebanghelyo,” ayon kay Fr. Cancino.

Samantala, suportado naman ni Health Undersecretary for Public Health Services Dr. Maria Rosario Vergeire ang panawagan ng mga hospital chaplain hinggil sa plantilla o regular position sa mga ospital.

Tiniyak ni Vergeire na ito’y kanyang isasangguni sa mga opisyal ng DOH upang maisakatuparan at maproseso ng Department of Budget and Management (DBM).

Nilinaw din ng opisyal sa mga hospital chaplains na ito’y magiging mahabang proseso dahil idadagdag ito ng DBM sa pondong ilalaan sa mga ospital.

“Kung ako ang tatanungin, I really support the idea that there should be this plantilla item for a chaplain. Every hospital needs a chaplain. Whatever your religion may be, we need a chaplain who can spiritually support our patients,” pahayag ni Vergeire sa ginanap na 2nd National Hospital Chaplaincy Conference 2023.

Nakasaad sa Laborem Exercens ni Saint John Paul II na karapatan ng bawat manggagawa ang wastong pasahod at benepisyo para sa kanilang kapakinabangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 182,985 total reads

 182,985 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 211,860 total reads

 211,860 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 245,981 total reads

 245,981 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,386 total reads

 302,386 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,147 total reads

 183,147 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top