Obispo, hinikayat ang lahat na hilingin sa Mahal na Ina ang kapayaan ng bansa

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Hinikayat ni Iligan Bishop Elenito Galido ang bawat mananampalataya na ipanalangin sa Mahal na Inang Maria ang kapayapaan at pangalagaan ang bawat isa mula sa banta ng karahasan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng simbahang katolika ng kaarawan ng Mahal na Ina na itinakda sa ika-8 ng Setyembre.

Ayon obispo, ating hilingin sa pamamagitan ni Maria ang kaligtasan ng lahat mula sa panganib na nagaganap sa ating lipunan.

“We pray always for the intercession of the Blessed Virgin Mary to protect from those who harm us and peace be in our hearts and security in our sorrounding. Queen of peace pray for us, intercede for us always,” ayon sa mensahe ng obispo.

Bagama’t walang nakatalang petsa ng kapanganakan ni Maria, ito ay ipinagdiriwang ng simbahan siyam na buwan matapos ang pagdiriwang ng Immaculate Conception na ginugunita naman tuwing December 8.

Ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay bilang pagkilala kay Maria bilang Ina ni Hesus at naging daluyan para sa pagsasakatuparan ng kaligtasan ng sangkatauhan.

Ang Pilipinas na may higit sa 80 porsiyento ng mga Katoliko ay kilalang nagtatangi sa Birheng Maria at sa katunayan ay tinatawag din bilang Pueblo Amante de Maria lalut karamihan sa mga parokya sa buong bansa ay nakatalaga sa Mahal na Ina.

Ang bansa ay binubuo ng 86 diyosesis at arkidiyosesis mula sa 17 Ecclesiastical Provinces kung saan higit sa 10 ang matatagpuang pambansang dambana ng Mahal na Inang Maria.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,920 total views

 18,920 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,134 total views

 61,134 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 76,685 total views

 76,685 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,927 total views

 89,927 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 104,339 total views

 104,339 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 156,199 total views

 156,199 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 100,045 total views

 100,045 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top