Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga magsasaka sa Brooke’s Point dahil sa pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 783 total views

Nangangamba si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona para sa kalagayan ng mga magsasaka sa Brooke’s Point, Palawan dahil sa epekto ng pagmimina.

Kaugnay ito sa binabalak na muling ipagpatuloy ang pagmimina sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point na proyekto ng Lebach Mining Corporation kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ban on open-pit mining.

Ayon kay Bishop Mesiona, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission, lubhang maaapektuhan ng pagmimina ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil sa mga ginagamit na kemikal na mapanganib kapag napunta sa mga pananim.

Sinabi ng obispo na nagreresulta rin sa malawakang pagbaha ang pagmimina lalo na kapag may kalamidad dahil ang mga tubig na magmumula sa mga pinatag na kabundukan ay bababa sa paanan ng bundok at direktang makakaapekto sa hanapbuhay ng mga magsasaka.

“Maapektuhan na naman ang mga magsasaka dahil sa chemicals na gagamitin sa pagmimina. Tiyak tayo na pag umuulan at bumabaha ay pupunta ito sa mga palayan at sakahan ng mga magsasaka,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang sinabi ni Bishop Mesiona na ang pagmimina sa Palawan ang dahilan ng madalas nang pagbaha sa lalawigan na naranasan noong Disyembre 2021 dulot ng Bagyong Odette.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa halos limang bilyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo.

Nananawagan naman si Bishop Mesiona sa mga kinauukulan na gampanan nang wasto ang kanilang mga tungkulin na isinasaalang-alang ang kapakanan ng kalikasan at taumbayan bago pahintulutan ang mga ganitong uri ng proyekto.

“Kaya panawagan po natin sa kinauukulan na pag-isipang maigi bago ipagpatuloy ang planong pagbubukas ng minahang ito,” ayon kay Bishop Mesiona.

Ang Lebach Mining Corporation na nakatuon sa nickel ore extraction project ay kabilang sa 28 minahan sa bansa na sinuspinde noong 2017 ng dating Department of Environment and Natural Resources Secretary at yumaong si Gina Lopez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 13,595 total views

 13,595 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 42,159 total views

 42,159 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 92,173 total views

 92,173 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 87,594 total views

 87,594 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 122,101 total views

 122,101 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top