Obispo ng Kalookan, umaapela sa HUDCC na huwag talikuran ang kanilang partnership

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total reads

Umapela si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pamahalaan partikular na sa Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC na ipagpatuloy ang kanilang naunsyaming proyekto na para sana sa mga mahihirap.

Ayon kay Bishop David, una na silang nakipagtulungan sa ahensya para mabigyan ng pabahay ang mga informal settlers sa lungsod ng Kalookan ngunit makalipas ang ilang pagpupulong ay hindi na ito umusad matapos magbitiw sa puwesto ang noo’y HUDCC chair na si Vice President Leni Robredo.

“Nakapag six meetings na kami ng Technical Working Group and we were closed in implementing it already and we would have build 2,500 units para sa mga urban poor families ng hindi kami mag-charge sa lupa. Kasi sabi ko let’s make it clear hindi ako humihingi ng pabor sa gobyerno nakikipag- partnership ako sa gobyerno na kung sila ay may puso para sa mga dukha count on us as partners. Nagbago ang takbo, sabi ko sana man lang i-honor ng HUDCC and partnership na to kasi we don’t go to HUDCC because of[VP] Leni Robredo we went there because of HUDCC, nung umalis siya parang wala na din yun aming project.” pahayag ni Bishop David.

Ang lupa na sinasabing pag-aari ng Simbahan ay nilalayong ipagkaloob sana sa mga informal settlers.

“Nanghihinayang ako na kasi nakipag-partner ako sa HUDCC, I was offering a piece of lot owned by the church na iniiskwatan ng 1,000 urban poor families. Wala naman kaming intensyon na itaboy sila pero sabi ko siguro sayang naman yung lugar we can maximum use of it.”giit ng Obispo ng Kalookan.

Nanindigan si Bishop David na ang Simbahang Katolika ay hindi kalaban ng gobyerno lalo na kung ang layunin ay para sa mga dukha at nangangailangan.

“Sino bang ayaw na mapabuti ang kalagayan ng mga dukha? kaya whenever the government is in the side of the common good especially for the alleviation of the poorest among the poor they can count on us hindi kami kalaban.”paglilinaw ng Obispo.

Sa datos ng SWS tinatayang nasa 10 milyong Pilipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili na mahihirap.

Magugunitang ang Simbahang Katolika ang isa sa mga pinakamalaking charitable organization sa buong Mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 65,129 total reads

 65,129 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,941 total reads

 143,941 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,386 total reads

 177,386 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,685 total reads

 212,685 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,549 total reads

 436,549 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,882 total reads

 111,882 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top