Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ALAY KAPWA, GAWING PAGNINILAY NGAYONG KUWARESMA

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Alay Kapwa Program sa tatlong iba’t-ibang Diyosesis sa Luzon, Visayas at Mindanao muling umapela ang NASSA/Caritas Philippines sa mga mananampalataya na gawin bahagi ng kanilang pagninilay ang misyon ng Alay Kapwa.

Ayon kay NASSA/Caritas Philippines Executive secretary Rev. Fr. Edu Gargiuez, ang kuwaresma ay panahon upang lalo natin madama ang labis na pagmamahal sa atin ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili para sa atin.

Ito aniya ang dahilan kaya’t maging tayo ay nararapat din ialay ang atin mga sarili para tumulong sa atin Kapwa lalo na sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad.

Naniniwala si Fr. Gariguez na matapos ang matagumpay ng paglulunsad ng nasabing programa sa iba’t-ibang diyosesis ay mas mauunawaan ng mga mananampalataya ang tunay na kahulugan at misyon nito.

Umapela din ang Pari ng suporta para sa isasagawang second collection sa linggo ng palaspas sa iba’t-ibang parokya sa buong Pilipinas para makalikom ng pondo sa nasabing programa.

“Ako po ay nanawagan sa ngalan po ng buong Simbahan sa Pilipinas sana ay tayo ay patuloy na sumuporta sa pamamagitan ng atin kakayahan, ng atin yaman para sa patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan, umaasa kami sa inyong patuloy na pakikiisa lalo’t higit sa mga diyosesis sa Pilipinas sana po ay patuloy natin na suportahan ang programa ng alay kapwa dahil ito ay diwa ng atin pagsasabuhay ng buhay kristiyano.” pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang nito lamang nakalipas na buwan ng pebrero ay matagumpay na isinagawa ang paglulunsad ng alay kapwa program sa Diocese ng Maasin,Diocese of Malaybalay at Archdiocese of Lipa.

Ilan lamang sa mga natulungan ng pondo ng Alay Kapwa ay ang limang diocese na labis na napinsala ng bagyong Nona noong disyembre ng taong 2015.

Tinatayang umabot sa 3 punto 6 na milyong piso ang paunang tulong na inilabas ng simbahang katolika para sa may 57 libong pamilya o mahigit 300 libong indibidwal na naapektuhan ng nasabing bagyo.

Isa punto siyam na milyong piso mula sa naturang pondo ay mula naman sa Caritas Manila.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,541 total views

 5,541 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,022 total views

 13,022 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,162 total views

 26,162 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,135 total views

 32,135 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 37,890 total views

 37,890 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Rowel Garcia

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 21,072 total views

 21,072 total views Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022. Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 21,130 total views

 21,130 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 21,019 total views

 21,019 total views Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation. Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 20,889 total views

 20,889 total views Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy. Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo, magkatuwang sa pagpapaaral ng mahihirap na estudyante

 2,576 total views

 2,576 total views Magkatuwang ang Pondo ng Pinoy at Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna para matulungan ang mga mahihirap na kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa panayam ng Programang Caritas in Action kay Bro. Greg Mendez ng Social Action Center ng Diocese of San Pablo, malaki ang naitulong sa kanila ng Pondo

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan, panawagan ng CBCP sa taumbayan

 2,515 total views

 2,515 total views Hinikayat ni CBCP Episcopal Commission on Social Communication at Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga inilalabas na impormasyon sa social media. Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Bishop Maralit, sinabi niya na dapat gamitin ng bawat isa ang social media accounts bilang

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

 7,909 total views

 7,909 total views Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Simbahan bukas para sa lahat

 2,349 total views

 2,349 total views Bukas ang Simbahan para sa lahat at para sa pagkakasundo. Ito ang naging reaksyon ni Rev. Fr Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV) sa Diocese of Balanga matapos ang sunod-sunod na pagbisita ng ilang presidentiables sa Diyosesis. Ayon kay Fr. Nuguid, ang mukha ng Simbahan ay bukas kamay

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Sustento sa mga anak, tungkulin ng bawat magulang-Ideals

 4,205 total views

 4,205 total views Pinaalaahan ng mga legal expert ang mga magulang na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak na mayroon silang pananagutan sa batas. Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Atty. Gail Diola ng grupong IDEALS Inc. na may karapatan ang mga anak na makakuha ng sustento mula sa kanyang mga

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mamamayan ng Ukraine

 2,242 total views

 2,242 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Manila sa social arm ng Simbahang Katolika sa Ukraine. Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, malinaw na walang nagtatagumpay sa digmaan at tanging nagiging resulta nito ay kapahamakan at paghihirap para sa mga mamamayan ng hindi nagkakasundong lider ng mga bansa. Ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Viva artists at Caritas Manila, pinuri ng mga pari sa Visayas Region

 2,484 total views

 2,484 total views Pinuri ng mga kaparian sa Visayas Region na naapektuhan ng bagyong Odette ang paglalaan ng oras at talento ng ilang mga mang-aawit at kilalang personalidad para makalikom ng pondo sa isasagawang church rehabilitation project ng Caritas Manila. Sa isinagawang press conference ng PADAYON o Pag-asa at Damayan sa Pag-ahon online concert 2022, inihayag

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Talibon at Tagbilaran, umaapela ng tulong sa pagpapatayo ng mga nasirang simbahan

 2,593 total views

 2,593 total views Umaapela ng tulong ang ilang mga lider ng Simbahan sa lalawigan ng Bohol matapos masira ng bagyong Odette ang ilan sa kanilang mga simbahan o parokya. Ayon kay Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, labis silang nagpapasalamat sa mga tulong na kanilang natatanggap sa relief and rehabilitation efforts ng Diyosesis para sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok ng CBCP na makiisa sa 30th World Day of the Sick

 2,195 total views

 2,195 total views Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng ika-30 World Day of the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero taong 2022. Ayon kay CBCP Health Care executive Secretary Rev. Fr. Dan Vincent Cancino Jr. M.I, ang Simbahang Katolika ay para sa mga maysakit at mga nagkakalinga sa

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Elektrisidad at linya ng komunikasyon problema sa Bohol

 2,364 total views

 2,364 total views Suliranin pa rin ang linya ng elektrisidad at komunikasyon sa lalawigan ng Bohol mahigit isang buwan na matapos ang pananalasa ng bagyong Odette. Ayon kay Sr. Mariam Dungog, SEMS ng Diocese ng Talibon, sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang pagkukumpuni sa mga poste ng kuryente at mga cellular sites sa kanilang

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Pagpapayabong ng pananampalatayang katoliko ang misyon ng pagtatayo ng chapel sa SM malls

 2,403 total views

 2,403 total views Pakikiisa sa malakas na pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino ang hatid ng bagong Kapilya sa SM Grand Central sa Caloocan City. Ito ang paniniwala ng SM Prime Holdings at SM Group matapos buksan sa mga mananampalataya ang Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa nasabing bagong establisyemento noong Disyembre ng taong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top